Worth it ka sa Kanya

1.2K 21 2
                                    

Napapaisip ka na naman pwede bang iyo ng tigilan?
Tanong na nagiging dahilan kung bakit ka nagiging luhaan
Halika ka dito at ipaparamdam ko sayo ang iyong kahalagahan
Kamahal mahal ka at hindi sya kawalan

Tumayo ka at langhapin ang ganda ng mundo
Maaaring hindi sigurado ang takbo nito
Ngunit ito ang makakapahilom ng sugat diyan sa puso mo
Ikaw mismo ang magiging gamot sa mga durog mong piraso

Punasan na ang mga luha dahil baka maging isa na itong muta
Maligo ka sapagkat nangangamoy ka na
Mag ayos ka ng sarili mo at ipakita mo na hindi ka na apektado
Mahalin mo na muna yung sarili mo

Huwag ikulong ang sarili sa puot, galit, hinanakit at inggit
Patawarin ang mga taong dahilan ng sakit
Nakalimutan mo na andyan Sya kaya muli mong ipilit
Pagmamahal na dapat nilaan sa Kanya hindi sa iba ngayon Sya'y yakapin ng mahigpit

Sapat ka, mahalaga ka, maganda ka huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba
Kung niloko, ginagago,  pinaglaruan o naging pansamantala ka lang nya
Pagsubok lang yun na binigay upang maging malakas ka
Kaya ano mang hamon ng buhay kapit ka lang sa Kanya

Mabigat man ang iyong pinagdadaanan andyan Sya hindi ka iniwan
Kahit ilang beses mo na Syang tinalikuran
Sa kahahanap mo ng pagmamahal iyong nakalimutan ang iyong kahalagahan
Kaya ngayon bumangon ka na at lumapit muli sa Kanyang kaharian








In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon