Binabalik balikan ang mga larawan na kumukupas na
Mga alaalang unti-unting nakakalimutan na
Ngiti, tawa na hindi alam kung saan noon nagsimula
Ang batang sarili na laging sabik tuwing umuulan
Naglalaro at tumatakbo sa putikan
Umaakyat ng puno at sinakripisyo ang tulog sa hapon para makipaghabulan
Kahit na madapa at magkasugat sugat man
Ngunit, bakit habang tumatanda nawawala ang dating sigla?
yung totoong tawa? kasabikan? saya? Asan na?
Nakakapagod pala. Nakakapagod palang mag-isa
Nakakapagod palang tumanda
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.