Anino ng alaala

57 2 0
                                    


Binibilog mo ang ulo ko

Nagpagamit na naman ako sayo

Marahas ka, ba't kasi tayo pinagtagpo?

Lisanin mo ako pakiusap iyong ng ihinto

Dinadala mo ako sa ibang mundo

Sa paraisong sinasabi mo at ng ibang tao

Ngunit hindi, isa itong impyerno

Nasusunog ako sa apoy na dulot mo

Iiwanan mong tulala sa isang kanto

Namamanhid ang buong katawan ko

Kailan mo kaya mapagtatanto na mali na ang ginagawa mo?

Kinukulong mo ako sa kulungan mo

Ikaw yung naging kasama ko, naging karamay ko

Sa mga sandaling hindi ko makilala ang sarili ko

Subalit bakit humantong sa ganito?

Winawasak mo na ang dating ako, kaya pakiusap lubayan mo, lubayan mo na ako

Itinatakwil na kita hindi kita kailangan sa aking buhay

Ang tanging binibigay mo lamang ay lumbay

Pakiusap bigyan mo ako ng buhay na matiwasay

Nais ko ng pintahan ang dilim ng alaala at bigyan ito ng magandang kulay

Kaya nagmamakaawa ako, ako'y yung iwan. 

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon