Okay lang kung minsan pakiramdam mo pagod ka, at nahihirapan bumangon. Kung minsan hindi mo maramdaman ang ikaw, parang naliligaw, di makasigaw
Masyadong maingay ang mundo kaya minsan bigla kang nawawala, nakatulala, nakatingala
Okay lang umiyak kung masyado ng mabigat, kung wala ng ibang paraan para gumaan ang puso mong nagkakaila, mapagpanggap na parating sinasabi na kaya mo kahit ubos ka na
Hindi malinaw ang landas, masyadong mabato ang daan na hindi maiiwasang matalisod, at madapa
Okay lang, mahal. Okay lang maging mahina. Hindi ka magiging matapang kung minsan sa buhay mo hindi ka naging mahina. Hindi ka magiging masaya kung hindi ka dumaan sa sakit, pait, at luha
Mahal, okay lang. "Ganyan ang buhay" 'yan ang parati mong maririnig sa mga tao sa paligid ngunit kung bibigyan ng malalalim na kahulugan, siguro ganito nga ang buhay, hindi mo mababasa, may taas baba, mga plano minsan ayaw makisama pero matuto kang maghintay. Darating din yan. Malayo man ngunit malapit na. Kaya magpatuloy ka
Okay lang yan mahal. Valid ang iyong nararamdaman. Ganyan ang buhay.
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.