Sa paglibot ng mga mata sa bawat sulok ng bahay ay sya ang iyong makikita
Sa sala habang nakaupo at nagtatawanan kayong dalawa
Sa kama na yakap yakap mo habang mahimbing na natutulog sya
Mga litratong nakadikit sa pader at pangalan nya
'Yan ang paulit ulit na bumabalik pero 'yung tao wala na
Hanggang andyan ka na naman sa sulok, humihikbi, nagsusumamo, patuloy na dumadaloy ang mga luha
Sadyang traydor talaga ang mga alaala
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoesíaIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.