Sa pagitan

38 2 0
                                    

Sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan nalilito kung ano dapat panigan

Nakaraan na kasama ka, o dito sa kasalukuyan na ako na lang mag-isa

Sa pagitan ng paalam at kumusta ka?

Paalam dahil natapos na ang ating istorya, ngunit nais ko pa ring malaman kung kumusta ka na

Sa pagitan ng Ikaw at ako kanino dapat ako lumingon?

Ikaw na nalulunod pa rin sa sakit ng kahapon, o ako na hinahayaan na lang na lamunin ng mga alaalang binaon sa malalim na balon

Sa pagitan ng pananatili at pag-usad

Papanatilihin ba ang mga pahina o kailangan ko ng punitin ang libro na Ikaw at ako ang nasa kabanata?

Sa pagitan ng kilala kita at nakalimutan ko na

Kilala kita ngunit unti-unti ko ng nakakalimutan ka, ang iyong itsura, mukha o kung paano ka magsalita

Mananatili pa ba ako sa pagitan o kailangan ko ng humakbang at kilalanin ang katapusan?

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon