Pinagmamasdan ko ang paligid, mga taong naglalakad habang magkahawak kamay
Mga grupo ng estudyanteng kumakain at nagtatawanan
Naghahalakhakan, nagkwekwentuhan, nagpapalakpakan dahil sa tuwa ang aking nasilayan
Ang ganda nilang pagmasdan, ang sarap pakingganIba't ibang may mga propesyon ang nakikita ko sa parke
Mukhang pagod ngunit makikita mo pa rin ang mga ngiti sa kanilang labi
Rinig na rinig ko ang mga tawad at ingay sa palengke
Ang hiyawan, sayawan habang kumakanta sa videokeSubalit, isang araw nagising akong may balitang narinig sa radyo
Nabingi ako, tama ba ang pagkakaintindi ko?
May isang sakit na madaling kumalat na nagpahinto ng mundo
Bawal lumabas, bawal makipagkamay, sinarado ang mga pintoMarami na ang mga nahawaan, marami ng namatay, marami ng nasirang pamilya, marami ng naiwan
Walang makain sa hapagkainan, wala man lang maiulam
Kumakalam na sikmura ngunit walang magawa
Kailangan magtrabaho ngunit papaano kung nagbawas ng empleyado dahil wala ng pampasweldo? Ngayon, tayo ay paano?Mga mag-aaral ngayon ay nahihirapan dahil dito sa tinatawag na new normal
Hindi makapasok ng eskwelahan, online class at modular ang labanan
Ngunit, hindi lahat may kagamitan, ang iba ay walang natututunan
Napakakumplikado ng sitwasyon, paano na ang kanilang kinabukasan?Tahimik ang mundo ngunit masyadong maingay sa loob ng kwarto
Hindi makahinga ng maayos, pangamba ay nabuo
Isang taon na pala, mula ng nagsimula ang pandemya
Isang taon na din pala na hindi ako masaya
Isang taon na palaNgunit, ano man ang balakid, ano man ang kinahaharap na unos
Ito din ay ating malalagpasan, ito din ay matatapos
Ang Maykapal ay may awa, kaya 'wag titigil sa pananalangin
Better days are coming!
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.