Ano nga ba talaga tayo?
Tanong na bumabagabag sa isip ko
Ano nga ba ako sayo?
Dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anoHindi pa tayo nagkikita
Ngunit bakit parang mahal na natin ang isa't isa
O sadyang ako'y nagkakamali sa kutob ko sinta
Ano nga ba ang meron tayong dalawa?May papalitan ng matatamis na salita
Puso at isip ngayo'y naguguluhan na
Sa pagbigkas mo ng bawat 8 letra
Ito ba'y may kahulugan na ako talaga?Kausapin mo naman ako oh?
Ano ba talaga ang nararamdaman mo?
Baka kasi pinaglalaruan mo lang ako?
At kasali ba ito sa pangtitrip mo?Na biktimahin ang isang katulad ko
Na sawa na sa lahat ng pasakit ng mundo
Wag kang magbigay ng motibo
Lalo na't wala kang balak na saluhin akoAno ba kasi ang nais mong ipahayag?
Dapat ba na ako'y maniwala o tumiwalag?
Bigla kang lumabas at ako'y iyong tinatawag
Gusto mo akong yakapin ngunit ako'y nagpailagGustuhin ko man na maramdaman
Ang init ng iyong bisig at katawan
Ngunit lahat ng pinapakita mo ay parang walang katotohanan
Kaya siguro hindi na kita kailanganHindi dahil hindi talaga kita kailangan
Ayaw ko lang masaktan ng sarili kong katangahan
At umasa sa bagay na hindi mauuwi sa seryusuhan
Kasi ang desisyon mo ay walang kasiguraduhanMahal, minahal mo ba ako?
Kahit isang segundo o minuto?
Pinapasok mo ba ako dyan sa mundo mo?
Kasi ikaw tinanggap kita ng buong buoUnti-unti na naman sanang bumubukas ang aking pinto
Oras at ihip ng hangin ay nais ipahinto
Baka kasi sa muling paggalaw at pag ihip nito
Ako na ang sinisigaw dyan sa puso moPero nagkamali ako, maling mali ako, mali talaga ako
Alam ko na sa bawat pagbitaw mo ng salitang mahal mo rin ako
Ikaw ay tumatawa dahil ibinalik ko rin ito sayo
Dahil ito ang totoong nararamdaman koNakakabaliw at nakabobo pala
Ang magmahal at hindi malaman ang resulta
Kaya ngayon ika'y papalayain na
Dahil wala naman talagang namagitan sa ating dalawa
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.