Amara's POV
Anong oras na ba? Gusto ko nang umuwi. I sighed as i looked at the wall clock in my office. It's almost 11 pm.
I was busy reviewing documents nang biglang may kumatok sa pinto ng opisina ko."Pasok!" Patuloy pa rin ako sa pagrereview ng files ng marinig ko ang secretary ko.
"Ate, nandito po si mam Ria." Napaangat agad ako ng ulo at nakitang papasok ng opisina ko si Ria. Ang bestfriend ko simula nung maliit pa akong bata.
You're probably wondering kung bakit 'ate' ang tawag sa akin ng secretary, it's simply because ayokong tinatawag nila ako na parang mas mataas ako sa kanila. We're all working together. Although yung mga employees, 'mam' pa rin ang tawag sa akin.
Nagbow muna si Tarra as a sign of respect bago lumabas ng office ko at umupo naman sa harap ko si Ria. "Nagpapakabusy ka dyan. Labas tayo. Para naman makahinga ka kahit sandali diyan sa mga trabaho mo." She said and i think she's right. Minsan kailangan din magrest from work para marefresh ang mind.
"Sure. Sandali lang." I called Tarra and sinabihan siya na iuwi sa bahay yung mga documents para dun ko na aralin.
"Let's go na. Gutom na ako." Nagmamadaling yaya ni Ria kaya kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng office.
Bumaba na kami sa parking lot at hinanap ang kotse ko. Hindi kasi nagdadala ng kotse si Ria kapag pumupunta dito dahil laging nagyayaya yan na lumabas.
"Diba bukas na ang birthday ni Isabella?" Muntik ko na matapakan ang preno dahil sa narinig ko. Birthday niya nga pala bukas. Sa sobrang busy ko sa trabaho, nawala na sa isip ko.
"Oo. I just remembered. Buti pinaalala mo." It's not that i totally forgot. Siguro para na rin hindi ako laging gising sa gabi kakaisip sa kanya.
"What are you planning to do?" Tanong ni Ria habang nakatingin sa bukas na bintana sa side niya.
"As usual, magdadala ng bulaklak sa kanya. Kakantahan ng birthday song at ipagpepray. 14 years ko nang ginagawa yun." I remembered the first time ko yun ginawa, kasama ko din si Ria nun. Umiyak lang kaming dalawa ng umiyak sa kotse pagkatapos.
"At syempre kasama ka bukas. Iniinvite ka niya. Kapag hindi ka daw pumunta, ikaw ang pupuntahan niya. Hahahahaha. " I said while laughing.
"Ay oo syempre. Mas okay na ako ang pumunta sa kanya. Hahaha. " We just laughed until natahimik ulit kami sa kotse.
"15 years old na sana siya noh?" Ria said and natahimik na naman ako at napaisip. Kung hindi kaya nangyari ang mga nangyari, nandito kaya si Isabella? Kasama kaya namin siya mag celebrate ng birthday niya bukas? Makulit at maingay din kaya siya tulad ko?
"Hey! Focus sa driving. Lumilipad isip mo. Malapit naman na tayo sa pupuntahan natin eh. Kakaliwa ka nalang then andun na tayo." Sinunod ko nalang instructions niya and we arrived on this place na parang overlooking sa city. My kind of view.
Bumaba na kami ng kotse at lumapit sa front desk si Ria habang iniikot ko ang mata ko sa paligid.
"Reserved table po. Maria Edelina Belmonte. " Rinig kong sabi ni Ria habang nasa likuran niya ako.
"Pirma nalang po kayo dito mam and i'll show you to your seat." Pinirmahan na ni Ria ang mga dapat niyang pirmahan at pinapasok na kami sa loob. Nasa rooftop pala ang table namin. 3 floors kasi itong resto tapos may rooftop.
"Ang ganda!" I exclaimed while looking at the bright and colorful city view.
"Diba? Nakita ko lang to while scrolling sa instagram. " Sabi niya habang umuupo kami sa reserved seats for us.
"Darating pala si Lester maya-maya. He'll join us para din salubungin na natin birthday ni Isabella. 30 minutes nalang naman eh. " Tumango nalang ako at nagsimulang magscroll sa phone ko. Si Lester ang loving husband ni Ria. Happily married sila with 3 kids.
Magkakaibigan kami simula pa noon. Si Lester, Ria and... nevermind. Huwag na nating isali yung isa. Kinalimutan ko na siya simula nung pumirma ako sa isang papel na pinaghiwalay kami.
Tahimik lang kami ni Ria na umoorder ng pagkain.11:42 na ng gabi.
"Sorry I'm late. Uy Amara!" Lester greeted me and i smiled back.
"Musta na? Hahaha." Medyo matagal ko na rin hindi nakikita si Lester dahil busy rin yan sa trabaho. "Ayos lang naman. Ikaw?"
"Ayos lang din. Nga pala. Napadala ko na yung designs na irereview mo for the clothing line." Business partners kasi ang families namin hanggang ngayon.
"Sure sure. Titignan ko mamaya pag uwi. "
He said and natahimik kaming tatlo.Maya maya pa ay dumating na ang inorder namin at nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan.
"So ayun, sabi ni Lester 'Ria pikit ka' eh ako naman itong uto-uto pumikit nga. Tas bigla akong iniwan na nakatayo sa gitna ng kalsada. Yun daw ang anniversary gift niya." Natatawang kwento ni Ria sa amin at nagtawanan lang kami ng nagtawanan.
"Eh naaalala ko nga nung college tayo diba pinadalhan ka ng sulat na magkita kayo sa gate after school tapos paglabas niyo nandun sila tito at tita at tuwang tuwa na magkasama kayo hahahaha. "
Natatawa pa rin ako pag naaalala ko yun kasi dun nagsimula na manligaw si Lester kay Ria. As in seryosong ligaw na dumiretso na sa kasalan."Grabe noh? Parang kailan lang sumasama lang tayo sa mga business meetings ng mga parents natin tapos ngayon tayo na ang may kanya kanyang meeting everyday. Ang bilis ng panahon." Sambit ni Ria at napangiti nalang kaming tatlo.
"11: 59 na. Any wishes mommy dear?." Natawa nalang ako sa sinabi ni Ria.
Pumikit nalang ako dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang hihilingin ko para kay Isabella.
"Happy birthday Isabella!" Sambit namin nila Lester at Ria.
Another year has passed.
~~~~~~~~~~~~~~~~
"Sige ingat ka ah. Byeeee. See youuu!" Sigaw ni Ria habang nagdadrive na palayo yung kotse nila. Kumaway naman ako at hinanap ang kotse ko sa parking lot. 12:47 na rin ng hatinggabi. Inaantok na ako. Nagkwentuhan pa kasi kaming tatlo.
I opened my car door at nilagay ang bag ko sa passenger seat. Hinalungkat ko ang bag ko para masigurado kung kumpleto ang gamit ko. I'm ready to go home.
Tinext ko si Vera na kasambahay ko para buksan ang gate ng bahay. Sana di pa siya tulog.
"Ginabi kayo ate ah. "She said as i rolled down the car windows. And siya naman ay abala sa pagbubukas ng gate.
"Oo nga eh. Pakilock nalang yung gate. Salamat!"
Pinark ko na ang kotse ko at pumasok na sa loob. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Pumasok naman si Vera at may mga inayos na pagkain sa cabinet."Ay ate, dumating na po yung inorder niyo kanina. Inakyat ko nalang po sa kwarto niyo." Sabi niya habang nag aayos ng pagkain.
"Sige salamat. Akyat na ako ah. Matulog ka na rin." Lumabas na ako ng kusina at umakyat na sa kwarto.
Tinanggal ko muna ang sapatos ko at nagpalit na ng damit pantulog. Pag-upo ko sa higaan, napansin ko yung malaking package na pinagawa ko. Binuksan ko dahil alam ko naman na kung ano ito.
It's a frame na may nakalagay na Isabella tapos ay may mga baby pictures niya. Isasabit ko ito bukas sa living room. Inilagay ko muna siya sa table sa kwarto ko at nahiga na.
I immediately fell asleep after that.

BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
Storie d'amoreAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21