Amara's POV
Nandito na ako sa office at pinaglalaruan ko lang ang ballpen ko. May naalala na naman ako.
Flashback
"Ria! Nasan ka ba?" I called Ria dahil it's my first date with Alexander. 6:30 pm na at 7 pm ang usapan namin.
"Sensya na girl. Kaka landing lang namin dito sa Hongkong. Hindi na kita nainform." Tignan mo itong babaeng ito. Sabi niya sa ang mag-aayos sa akin para sa date tapos biglang aalis pala.
"Eh anong susuotin ko?" Tanong ko sa kanya. Nakaipit sa balikat ko yung telepono habang hinahalughog ko yung cabinet ko.
"Basta wear something comfortable para naman makagalaw ka pa rin. Pero stylish. Tapos konting makeup lang."
"Sige sige. Thank you. Chocolate ah." Sabi ko habang patuloy parin na naghahanap ng damit.
"Sureeee. Bye!" Binaba na niya ang tawag at hinagis ko sa higaan yung telepono.
Mukhang binagyo itong kwarto ko sa sobrang daming damit sa paligid.
Jeans? Tshirt? Tumingin ako sa orasan, 6:45 na.
"Hayyyyy Bahala na!" I said at nagmadaling magbihis.
Nagsuot ako ng jeans, tshirt, rubber shoes at white cap. Okay na to. Hindi na ako magmemakeup. Kilala naman na ako ni Alex eh.
"Okay Amara. Good luck sayo!" I said before walking out of my room.
~~~~~~~~~~~~~~~
Nakarating na ako sa meeting place namin ni Alex. Alex is one of my childhood friends. Magkakaibigan kami nila Lester at Ria.
"Kayo po ba si Ms. Amara Claire De Vida?" Nagulat naman ako kay kuya na biglang lumitaw sa gilid ko.
"Ah opo." Sagot ko.
"This way po mam." Sinundan ko lang siya at nakarating kami sa overlooking na lugar tapos ay may table set up.
Umupo na ako and inilibot ko ang mata ko sa paligid. Hmmm. Maganda yung lugar. I've never been here.
"Good evening Amara!" Narinig kong bati ng tao sa likuran ko. I looked behind me and nakita ko naman na nakangiti na natatawa si Alexander.
"Bakit ganyan mukha mo?" I asked him.
"Nothing. Eto pala. Your favorite chocolates." Yeyyyy. Alam kasi ni Alexander na ayaw kong binibigyan ako ng flowers. Kaya kapag nagkikita kami, chocolates or fruits ang binibigay niya. He never gave me a single flower. Pero mahilig ako sa flowers, ayoko lang na binibigyan ako nun. Ewan ko kung bakit.
"Thank you!" Pinatong niya sa table yung box ng chocolates at umupo na sa harapan ko.
Napansin ko naman na sobrang formal ng suot niya. Ano ba kasi sinusuot kapag first date?
Tahimik lang siya habang sineserve yung pagkain sa amin.
"Alex! Ang tahimik mo." Natatawa kong sabi sa kanya. Kasi parang pati paghinga niya sobrang tahimik eh.
"Aren't you nervous?" Tanong niya.
"Hindi. Bakit naman?" Nervous? Nope. Sensya na ah. Ngayon lang kasi ako nakipagdate. Dapat ba ninenerbyos sa first date? Siguro may konting nerbyos pero hindi gaano.
"Wala naman. Haha." I just smiled tapos uminom ako ng juice.
Nagsimula na kaming kumain at nag iisip ako ng pwede naming pag usapan dahil napakatahimik niyaaaaaa.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21