Alexander's POV
Malalim ang iniisip ko habang nagdadrive ako pauwi. Nasa isip ko parin yung itsura ni Amara nung makita niya ako kanina. Hindi man siya nagsalita masyado pero alam ko kung anong gusto niyang sabihin. Hindi ko siya masisisi. Simula nung mawala si Isabella, parang naiwala na rin niya ang sarili niya. Isabella is too precious to be forgotten. Kahit na 14 years na ang nakalipas, sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat ng nangyari. Yung panahon na malaman namin na isa si Isabella sa mga nadamay sa pagsabog ng building ng Monetvista Corporation. Tama kayo, ang kompanya na bumubuhay sa pamilya namin ang siya ding kumuha sa pinakamahalaga sa amin ni Amara.
Flashback 14 years ago
"Kinakabahan ako Alex. " Sabi ni Amara. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan at papunta kami ngayon kila mama para makipag-usap tungkol sa pagsabog ng building. Dahil hanggang ngayon ay wala pa si Isabella at hindi pa siya nahahanap. At meron daw nakitang evidence na mga ashes na maaaring magconfirm na iyon si Isabella.
"Don't worry. I'm here. " Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya sa isang yakap para kumalma.
"Let's go?" Tumango siya at lumabas na ako para pagbuksan siya ng pinto.
Pagpasok namin sa loob ay nakaupo ang mama ni Amara at si Samantha na kaibigan ko. May hawak ang mama na folder na tinititigan ni Amara.
"Maupo na muna kayo. " Umupo naman kami ni Amara at humarap kay mama.
"Here, ayan na yung result." Inaabot ng mama ang folder pero nagtitinginan lang kami ni Amara at hindi ito kinukuha.
"Kung ano man ang nakasulat dyan, sana tanggapin ninyo." Inabot ko na ang folder at unti-unti itong binuksan.
Halos magunaw ang mundo ko nang makita ko ang nakasulat. Si Isabella, sa kanya nga yung mga abo na natagpuan sa executive floor.
Tinitignan lang ako ni Amara at iniiwas ang tingin sa papel. Pero pagkatapos ng ilang segundo ay hinablot niya ang papel at binasa ito. Sunod sunod na bumagsak ang luha niya habang nakatingin dito.
Niyakap ko nalang siya habang walang tigil ang iyak niya at nararamdaman kong gusto niya akong itulak palayo pero mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya.
Kahit ako ay umiiyak na rin. Wala na. Wala na kaming magagawa. Kahit na umiyak pa kami ng balde baldeng luha, hindi na maibabalik pa si Isabella.
"We're so sorry Amara, Alexander. " Narinig kong sambit ni Samantha na tumulong sa pagiimbestiga sa mga nangyari.
Nang medyo tumigil na sa pag-iyak si Amara ay nilapitan siya ni Samantha at kinausap habang ako naman ay tinawag ng mama papunta sa labas.
"Alex, hijo. Bantayan mo si Amara. I know this is hard for the both of you. Pero kailangan mong maging malakas para sa kanya. Tulungan mo siya." Sabi ng mama pagkatapos ay tinapik ang balikat ko at pumasok na sa loob.
End of Flashback
Oo, mahirap kalimutan ang mga sandaling iyon. Pero wala na eh. Nangyari na. Di na maibabalik pa. Masakit yung pangyayari na yun pero mas masakit kung pauli-ulit ko lang aalalahanin.
Pag-uwi sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at itinulog nalang ang pagod ko.
Amara's POV
Pauwi na ako ngayon dahil kakatapos lang ng mga gawain ko sa opisina. Nagulat ako nang biglang nagring ang phone ko na nakakabit sa harapan ko. Si Ria pala.
"Hello Ria. Ano yun?"
"Hello? Free ka ba this Saturday? "
"Ichecheck ko. Bakit?"
"Papatulong sana ako sa iyo na mamili ng gown para sa debut ni Erissa. Tutal may-ari ka na ng clothing company. Sayo na ako magpapagawa ng damit ha. Discount please. Thank you hahahhaa"
"Oo naman. Hahaha. Kahit hindi ka magpaalam may discount ka parin. Hehehehe. "
"Sige, yun lang naman. See you nalang sa Saturday.
"Sige bye." Binaba na niya ang tawag pagkatapos nun. Malapit na ako sa bahay at tinawagan ko si Vera para pagbuksan ako ng gate.
Pagkapark ko ng kotse ko ay dumiretso na ako sa kwarto at sumalampak sa higaan.
Hayyyy. Kakapagod. Kung pwede lang na huwag na akong pumasok sa office eh. Nakakatamad din.
Nagring naman ang phone ko kaya tinatamad kong inabot ang bag ko at hinalungkat ito habang nakadapa sa higaan. Tumatawag pala si Tarra.
"Hello?"
"Miss Amara, i'll just remind you po na bukas po yung visit natin sa tiangge. So after lunch po ba?"
"Sige. Clear all my schedules after lunch."
"Sige po. Yun lang naman po. Good evening po. "
"Sige salamat. " Binaba ko na ang tawag at tumayo sa pagkakahiga.
Nakita ko yung package na 2 weeks ago pang nandito sa kwarto ko. Yung nakaframe na name ni Isabella tapos may pictures niya.
Nagpalit muna ako ng damit pantulog at kinuha yung frame saka ako bumaba sa sala.
Isinabit ko ito sa pader kung saan nakasandal yung sofa. Tinitigan ko ito nang matagal. Nakakapagod umiyak, nakakapagod malungkot.
"Amara. " Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Manang Helen. Siya ang nagluluto dito sa bahay. Pero minsan lang ako nakakain ng luto niya dahil nga buong araw akong nasa opisina. Pero masasabi kong isa ang mga luto niya sa mga pinakamasarap na pagkain na natikman ko dahil teenager pa lang ako, siya na ang cook namin sa bahay.
"Po? Ano po yun?"
"Ang ganda ng mga litrato na yan. Pero hindi ba sobra sobra naman yatang pananakit yan sa sarili mo?"
Sa lahat ng mga kaibigan ko, sila Ria, Vera at Tarra pati narin yung isa naming kasambahay na si Lea, kay Manang Helen talaga ako nakakapagkwento ng mga bagay na tanging ako lang ang nakakaintindi."Hindi naman po. Maganda rin po yan. Constant reminder na minsang nagkaroon ng Isabella sa buhay ko. " Sagot ko habang nakatingin sa frame.
"Alam mo, dapat matuto kang pakawalan ang mga tao o bagay na wala na sa iyo. Hindi kita sinasaktan. Sinasabi ko lang para malinawan ka." Napatingin naman ako sa sahig dahil sa sinabi niya. Yan. Yan ang isa sa mga bagay na hindi ko matutunan.
"Siguro po. Matutunan ko yan. Balang araw. "
"Basta nasa iisang bahay lang naman tayo, pwede kang magkwento sa akin kahit anong oras. " Ngumiti nalang ako sa sinabi niya. At least alam kong may mga tao akong masasandalan. Umalis na si Manang Helena at naiwan akong mag-isa sa sala.
Tinignan ko ulit ang picture frame bago umakyat sa kwarto ko at natulog.
~~~~~~~~~~~~~
A/N: so ayun na nga po. Pasensya na sa sobrang kadramahan ng chapter na ito. Hindi ko rin po alam kung bakit ganyan kadrama ang story nila. Hahahaha. Pero sobrang thank you po sa lahat ng nagbabasa and nagvovote. Sobrang appreciated po.
Eto na yata ang pinakamadrama kong update pero kasama kasi siya sa flow ng story so kailangan nandyan talaga siya.
And wala po akong masyadong alam sa mga ganyang topic kaya sinimplehan ko nalang po yung mga eksena.
Again, thank you pooooo❤❤❤
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21