Amara's POV
So sinabi ni Ria, beach day lang ngayon para maenjoy na namin yung dagat dahil bukas uuwi na kami. Saturday na kasi ngayon.
Tapos mamayang gabi, magbobonfire kami. That's gonna be so exciting!
Pagdating sa beach, lumusong agad ako sa dagat. May dalang underwater camera si Ria kaya nagpipicture kami dito. Yung dalawa naman, ewan ko kung nasan sila.
Umahon kami at umupo sa buhangin. Picture dito, picture doon.
"Amara, higa ka dyan sa buhangin. Tas pikit ka." Ano na naman ito?
"Bakit?"
"Basta. Pipicture-an kita. Bilis na." Hayyy. Ewan ko kung bakit ko siya sinusunod.
So ayun, nakahiga ako ngayon sa buhangin at naghihintay. Ang init kaya. Kaya talagang nakapikit ako.
"Alex! I- CPR mo si Amara!" Aba loka loka ito ah. Tumayo agad ako.
"Lester! Iuwi mo na si Ria!" Sigaw ko. Tapos natawa ako sa reaksyon ni Ria. Hahahaha.
"Eto naman. Hindi ka mabiro. Napakaserious mo." Sabi ni Ria habang inaayos yung underwater camera niya.
"Hahaha. Baliw ka kasi eh." I told her. Nagpout naman siya and she raised the camera para makapagpicture kami. Bigla naman sumulpot sa likuran namin sila Lester and Alex para makasama sa picture.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tapos na kaming magswimming and we're here sa room namin ni Ria kasama sila Alex and Lester. Tinitignan kasi namin yung mga pictures and videos kanina sa beach tsaka yung mga nakaraang araw.
"Hahaha. Napicture-an pala yung pagkahulog natin sa banana boat." Kanina pa tawa ng tawa si Alex sa mga pictures.
"Oo. Inabot ko dun sa lalaking nasa boat yung camera and asked him to take pictures. Diba? Tignan niyo ito. Hahahaha." Ria said while pointing at the laptop screen. Picture naman nung nagjejetski kami. Tinuturo niya yung picture na hindi kami magkarinigan ni Alex na muntik na namin mabangga si Ria.
"Yieeee." Pang aasar ni Ria kasi nandun na sa picture na si Alex na ang nagdadrive ng jetski.
"Oh next picture na." Sabi ko at nilipat ko na sa next picture. Akala ko tapos na yung pang aasar. Picture naman ito nung nag iihaw kami ni Alex kagabi ng pagkain.
"Ang cute niyo dito. Send ko nalang sa inyo bukas pag-uwi natin ng Manila." Sabi ni Ria then she closed her laptop.
"Mamaya, magbobonfire tayo. So medyo puyatan. Gabi naman yung flight bukas kaya ok lang." Tumatango lang sila sa sinasabi ko.
Lumabas na ng kwarto namin yung dalawa and pabagsak akong humiga sa kama ko and covered my face with a comforter. Naguguluhan akooooo.
"Huy! Inaantok ka pa rin? Nagswimming na tayo ah." Sabi ni Ria habang hinihila yung comforter ko.
"Hindiiii." I answered. I can feel my heart beating fast. What's happening to meeee????
"Huyyyyy." Tuluyan niyang nahila yung kumot.
"O my goodnesss!! You are blushinggggg!!!!!" Ria said kaya tumayo ako at tinignan ang sarili sa salamin.
Pulang pula. Tapos hinawakan ko ang pisngi ko at sobrang init.
"Girl, ikwento mo yan." Sabi ni Ria.
"Anong ikukwento ko?" I asked her. Hindi ko na nga alam ang nangyayari sa sarili ko, pinagkukwento pa ako.
"Bakit ka nagbablush? Imposibleng walang dahilan." Bumalik na ako sa bed and magkaharap kami ngayon. Nakaupo siya sa right side ng higaan niya at nakaupo ako sa left side ng higaan ko.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21