Amara's POV
I followed Alex papunta sa office niya. Madilim na yung hallways pero wala akong pakialam. Iniwan ko na si Wilson doon sa opisina ko para lang sundan si Alex.
"Bakit ang aga mong umuwi? Wala kang pasabi." I said habang hinahabol ko siya.
"Ano? Si Wilson ba ang lagi mong kasama nung wala ako?" He asked pagpasok namin ng office niya.
"Alex, don't be ridiculous."
"Bakit pareho kayong nandito sa office ng ganitong oras?" Tanong niya. Nakita ko yung maleta niya sa gilid. Talagang umuwi na siya.
"May naiwan lang kami sa office. Bakit ba ang init ng ulo mo?!" Tumaas na yung boses ko dahil parang ayaw niyang makinig sa akin.
"You know very well na ayaw kong lumalapit ka sa Wilson na yun!" He yelled. Nag eecho lang yung mga boses namin dito sa opisina niya.
"Wow! Eh ikaw? Diba kasama mo si Sam doon sa business trip? Na ako etong mukhang t*nga na walang kaalam alam!" Bawi ko sa kaniya. Napahilamos siya ng kamay sa mukha at nakatingin lang ako sa kaniya knowing that my eyes are filled with anger.
"Nagreklamo ba ako? Ha?!" dugtong ko.
"So are you saying na hindi dapat ako magreklamo sa inyo ni Wilson?" He asked tapos lumapit siya sa akin. Nakatingin lang ako sa mga mata niya while I'm holding back my tears.
"No--"
"Diba? Ikaw may karapatan kang magalit na kasama ko si Sam. Pero ako walang karapatang magalit na kasama mo si Wilson?!" Napasandal nalang siya sa harap ng desk niya.
"Tapos ka na? Okay na?" Tanong ko.
"Pakinggan mo naman ako, Alex." I said while my tears are flowing down from my eyes.
"You can't control the people na lumalapit sa akin." Mahinahon kong sabi habang nanginginig ang mga labi ko dahil sa pag-iyak na hindi ko makontrol.
"Kaya mong kontrolin yun. Pwede kang lumayo. Pero hindi mo ginawa." He said. Sumandal nalang ako sa glass wall habang nakatingin parin ako sa kaniya.
"Ewan ko. Hindi ko alam kung saan nanggagalin yung selos mong yan! Coincidence lang yun."
"Coincidence? Dis oras ng gabi nandito kayo sa office, coincidence? Bakit? Kaya ba hindi mo ako ineexpect na umuwi? Ano? Tell me Amara? May dapat ba akong ipagselos?"
I slapped him hard. Pinipigilan kong umiyak at humikbi pero yun lang ang naririnig sa opisina dahil sa sobrang tahimik.
"Ganyan ba...tingin mo sa akin... Alex? Bigla ka nalang darating d-dito tapos kung ano anong sasabihin mo base lang sa nakita...mo? Wala ka manlang pinapakinggan na explanation. Sarili mo lang ang pinaniniwalaan mo. Hindi na kita..... kilala Alex." Putol putol kong sabi because i'm sobbing.
"Isa lang ang hiling ko sayo. Ang layuan mo si Wilson. Mahirap ba yun?!"
"Kaibigan ko si Wilson! Bakit ba ang init ng dugo mo sa kaniya?!"
"Wala ka bang tiwala sa akin? Ha!?" I yelled at him.
"You know what, i need a break. We both need a break." I said then lumabas na ako ng office.
Dumiretso ako sa kotse ko at pinaghahampas ko yung manibela tsaka ko sinubsob ang mukha ko dun at umiyak.
I wiped my tears after tsaka ko pinaandar yung kotse para makauwi na ako. Nakakapagod.
~~~~
Pagdating sa bahay, i went to our bedroom and gising pa si Calli. Pero bago ako makalapit sa kaniya, napakapit ako sa pader dahil sobrang sakit ng tiyan ko.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
Lãng mạnAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21