Amara's POV
Dito kami sa lanai pumwesto para maaliwalas and presko. Nakaset na rin yung table and hinahanda na yung snacks.
"Are you classmates? Or friends?" Tanong ko sa kanila.
"Both po!" Sagot ni Shara. She's really cute and bubbly. Hahaha. Medyo magulo lang kausap pero mabait naman.
Sinerve na yung french fries, chips and other salty foods. Meron din namang sweet foods like cookies, cupcakes and marami pang iba. Hahaha. May iced tea and fruit juice din.
Nagpaslice ako ng fruits para yun ang kainin ko. Yung mga boys naman na kasama nila, nakasandal sa railings ng lanai and yung girls, nakaupo dito.
"Ang ganda po dito. Kaya lang hindi masyado nabibisita." Sabi ni Elvi tapos she reached for the cookies na nasa gitna ng table. She's also very pretty.
"Talagang family farm ito. When i studied in college, tsaka ko lang pinaayos para pwede rin pagdausan ng mga events and occasions." Sabi ni Alex na nakaupo sa tabi ko. Tumango tango naman sila.
"Then when i married my wife, pumupunta kami dito tuwing summer pero nahinto rin dahil busy sa trabaho." Alex continued. He's referring to our first wedding. Kasi now, lalo kaming naging busy kaya hindi na kami nakakabisita dito.
"Ang cute niyo pong mag-asawa!" Sabi ni Elvi and tumingin lang sa akin si Alex.
Calli's POV
Ay sus! Lumalabas na naman ang kasweetan nilang dalawa. Si mommy, kunwari pa. Kinikilig din naman. Quiet lang akong kumakain dito sa tabi ni ate Elie.
"Ate, crush mo?" Tanong ko. Parang hindi naman niya inaasahan yung tanong ko dahil tahimik siyang kumakain ng fries.
"Huh? Sino?" Tanong niya. Ngumuso naman ako para ituro si kuya Adi. Nakikipag-usap siya dun kay kuya Zoe (pronounced as Zow).
"Hindi ah." Sabi niya. Binigyan ko naman siya ng mapang asar na tingin. Hahahaha. Sorry, makulit talaga ako.
Napansin ko naman na biglang tumingin si kuya Adi kay ate Elie na hindi niya napapansin.
"Ate. Tumingin siya sayooo." I said habang pinipigilan ko yung lakas ng boses ko.
"Hahahaha. Hindi yan. Hayaan mo lang siya." Sabi niya. Nubayan. Alam niyo bang nagkatuluyan ulit ang mommy at dad ko dahil sa kakadeny ni mommy? Sige kayo. Hahahaha.
"Ang ganda nga po ni Calli eh! Mana sa inyo." Narinig ko yung pangalan ko kaya napalingon ako doon. Pinag-uusapan ba ako?
"Hahaha. Oo, mana sa akin yan." Sabi ni mommy habang nakatingin sa akin.
"Excuse me, ako ang kamukha ni Calli." Apela ni dad. Sige, lagi niyo naman ako pinag-aagawan eh. Nagtawanan lang kami dahil sa petty fight nila.
Isa-isang umalis sila ate at kuya dahil maggagala pa raw sa paligid. Hanggang sa natira sila ate Elie, Kuya Adi, kuya Zoe, ate Shara and si ate Venice na walang pakialam sa paligid. Hahahaha. Nandun lang siya at busy na kumakain. Hindi siya sumasali sa usapan.
"How many years have you been married na po?" Tanong ni kuya Adi kila mommy.
"Almost one year palang." Sagot ni mommy at parang hindi naman sila makapaniwala.
"Almost one year palang po???" Inexpect ko na itatanong nila yan. Hahaha.
"Medyo complicated kasi. Hahaha." Sabi ni mommy.
"Aahhh okay po. Hehehe. Pero sobrang bagay po kayong dalawa ni sir Alex." Yieeee. Kilig na naman silaaaa. Hahahaha.
"Thank you." Sagot ni mommy. Omygeee. Sabi sa inyo! Magkakaayos yan ngayong araw eh.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21