Unexpected Happenings

325 11 0
                                    

Amara's POV

Ang sarap ng tulog ko. Wala akong pasok ngayon kaya relax muna sa bahay. Inenjoy ko muna ang view sa terrace ko ng biglang may kumatok sa pinto.

"Ate, nandito po ang mama niyo. "
Whatttttt???? Anong ginagawa ng mama dito?

"Pakisabi sandali lang! "
Sigaw ko at nagayos lang ng kaunti bago bumaba.

"Finally, akala ko aabutin ako ng hapon dito. " Lumapit ako para magbeso at pagkatapos ay umupo na kami sa sofa.

"Sorry. What brings you here po?"
I asked. Kasi kapag pupunta ang mama dito laging nagpapasabi iyan. Pero ngayon, wala.

"You have a visitor. Gusto ka daw niyang makausap. "Nagsalubong ang kilay ko in confusion. Sino naman kaya?

"Sino po?"
I asked and napalingon ako sa door. Agad nagbago ang mood ko nang makita kung sino ito.

"Sorry mama. "
I just stood up at nilampasan si Wilson papunta sa kusina.

"Wait Amara!" Hinabol niya ako saka ko siya hinarap.

"I'm sorry to be rude pero anong ginagawa mo dito?" I asked in an irritated tone.

"To apologize." I rolled my eyes and turned my back on him.

"Apologize mo mukha mo. Bahala ka." I whispered to myself at nagkunwaring busy sa paghuhugas ng pinggan na nasa lababo. Ako kasi ang naghuhugas ng pinggan kapag day off ng ibang kasambahay.

"Wala lang yun. I promise. She's just a friend. " Naku Wilson tigil-tigilan mo ako sa mga ganyang linyahan. Kabisado ko na yan. Nilingon ko siya at nagsalita ako uli.

"Pwede ba? Umuwi ka nalang dahil wala kang mapapala sa akin."

"Please?" Pagmamakaawa niya.

"Buti nga at hindi na ako nakipagkita sayo. Manloloko ka!" Sabi ko sabay walkout papunta sa kwarto ni Vera. Nilock ko ang pinto at napalingon si Vera sa akin.

"Ate! Nagulat naman ako. Bakit kayo nandito?"
Tanong niya habang nagtitiklop ng damit.

"Wala. May scammer sa labas. " Sabi ko at natawa nalang siya.

"Hayaan mo ate. Aalis din yan. Pumunta din yan dito kahapon eh. Hindi ka na nahintay. " Umupo muna ako sa higaan ng isa ko pang kasama sa bahay. Bale 4 kaming nakatira dito sa bahay, day off yung dalawa. Para hindi naman ako mag-isa.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at pinasilip si Vera sa pinto.

"Umalis na ate. Hindi yun seryoso sayo. Hindi ka niya kayang hintayin eh. " Kapag wala si Ria, si Vera ang kakwentuhan ko. Parang kapatid ko na yan.

Lumabas na ako ng kwarto at napansin na umalis na nga si Wilson pero nandito pa rin ang mama.

"Naku Amara! Hanggang kailan mo ba ipagtatabuyan si Wilson?" Inis na tanong niya.

"Hanggang tuluyan na siyang mapagod kakasuyo at umalis. "

"Makipag-ayos ka kay Wilson. I am telling you, malungkot mag-isa. Bahala ka. I'll go ahead. " Lumabas na siya at napatingin nalang ako kay Vera na nakatingin din sakin. Sinenyasan niya ako na 'ayos lang yun'.

~~~~~~~~~~~

I'm all set. Aalis ako kasama si Ria. Pupuntahan namin si Isabella remember?

"Halika na! Matindi ang traffic!" Sigaw niya habang bumababa ako ng hagdan.

"Oo eto na nga oh. " Nagmamadali akong bumaba ng hagdan habang chinecheck yung bag ko.

"Vera ikaw na bahala dito sa bahay ah. Baka mamaya pa ako makauwi. "

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon