What now?

249 12 0
                                    

Amara's POV

Palabas na kami ng resto ni Ria dahil nga unexpectedly, nakita namin si Alexander. Ang ex-husband ko. Then all of a sudden, natapunan naman ako ng juice ng isang babae sa labas.

"Mam pili na lang po kayo dyan ng gusto niyong suotin. "
Naglabas siya ng dalawang damit mula sa bag niya at pinakita sa akin.

"Okay lang talaga."
Sabi ko habang pinupunasan ko ang damit ko at sunod- sunod namang inaabutan ako ni Ria ng tissue.

"Hay naku mam pili na po kayo. Wala pong bayad promise. Eto nalang po ang pangsorry ko. Hehehe."
Napatingin ako kay Ria at sumesenyas siya na tanggapin ko na. Hindi ko rin naman matanggihan ang kakulitan ng batang ito. Kulit na cute.

"Sige na nga. " I said and pinili yung color blue na tshirt.

"Great choice madam. Bagay yan sa inyo. May cr po yata sa loob, dun na po kayo magpalit." She's very nice. Kung ibang tao yan baka ako pa ang sisihin sa pagkatapon ng juice.

Pumasok ako sa loob at dumiretso sa cr para magpalit ng damit. Hmmmm. Maganda itong damit ah. Kahit na tshirt lang. Malalaman mong maganda ang quality.

Paglabas ko ay nandun parin si pretty girl na makulit. "Wow. Bagay na bagay mam. Tamang color lang. " Tinignan naman namin siya ni Ria at natawa nalang kami.

"Sorry po pala mam kanina ah. Hindi po kasi ako nakatingin, nasa tapat po pala ako ng entrance. Hehehe. Peace po!" She's so cute. Nagpeace sign pa siya. Mukha naman siyang mabait. Binigyan pa ako ng libreng damit.

"Ayos lang yun. Di mo naman sinasadya. Ano nga palang name mo?" I asked her. "Calli po. Callissa Montes at your service! Kayo po?" She cheerfully said.

"I'm Amara De Vida and eto naman friend ko si Ria. " Tinuro ko si Ria at bumati naman siya. "Hello!"

"Hello po. Hehe. Paano po mam, kailangan ko na pong umalis. Ingat po kayo ah. Pasensya na po sa abala. " She courteously said. "No worries. Thank you pala sa shirt." Sagot ko. "No problem mam. Eto po pala number ko. Kung may kailangan po kayo, tawagan niyo lang yan. Basta no return po yung tshirt. Sa inyo na po yan. Hehehe. Bye po!" She waved goodbye, leaving me a piece of paper with a cellphone number.

"She's actually super nice. Ang cute pa." Ria said habang tinitignan ang number ni Calli.

"Ummm. Actually, may i remind you the reason we left the resto? He's still there. " Hindi na ako lumingon dahil alam ko na kung sinong tinutukoy niya.

"Let's go." Mabilis kong sabi saka lumakad ng mabilis palabas.

~~~~~~~~~~~~~~~

"Grabe ang araw mo girl ah. Binisita ka ni Wilson, nakita mo si Alexander at may nameet kang super cute girl. Sobrang memorable nito sayo hahahahaha. " Napaisip din ako habang nakatingin ako sa bintana ng kotse. Andami ngang nangyari ngayong araw.

Nagulat ako sa biglang pagring ng cellphone ko. Pagtingin ko, si mama pala ang tumatawag.

"Hello po?"

'Amara, pumunta ka sa office mo now.'

"Sige po."

Kapag ang mama ang nagsalita, hindi ako pwedeng kumontra. Kailangan kapag sinabi niyang pumunta, pupunta ka kaagad.

"Ria, daan tayo sa office. Pinapapunta ako ng mama doon. " Tumango naman siya at nag-iba ng ruta.

~~~~~~~~

"Sige mauna ka na, ipapark ko lang itong sasakyan." Sabi ni Ria bago ako bumaba at sumakay sa elevator papunta sa office.

"Ate, nandyan po si mam Liandra sa loob." Kinakabahang sabi ni Tarra. Tinanguan ko lang siya at pumasok na sa loob.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon