Alexander's POV
I don't know kung susundan ko ba si Amara or just let her be. Nainis siya sa kompetisyon namin ni Wilson. Hindi ko nga alam kung bakit nakikipagkompetisyon yung lalaking yun eh. Kumukuha lang ako ng food para kay Amara tapos gumaya naman itong si Wilson.
"Sige na nga. Nakakaawa ka na dyan eh. Sundan mo na. " Ria said and tumayo agad ako sa upuan at hinanap si Amara.
I already looked everywhere. Hindi kaya umuwi na siya? I have an idea. Baka nandun siya.
Pumunta ako sa hallway ng mga hotel rooms since this event is being held in one of Wilson's hotel.
And there she is. Nakaupo sa sahig habang tinatanggal ang sapatos niya. One of the things that i like about her is that wala siyang pakialam kung anong itsura niya. Can you believe na nung first date namin noong nililigawan ko palang siya, nakajeans and tshirt siya. Habang nakapolo and slacks ako. Hindi niya daw kasi alam ang susuotin niya dahil wala daw nun si Ria. That's when i knew na siya na talaga.
Then there's this one time na makikipagkita ako sa kanya bago ako pumunta sa states for a business meeting. We agreed to meet in a park and when i got there, nag-eenjoy siya sa tumatalsik na tubig galing sa fountain.
I slowly approached her. Halatang masakit na ang paa niya sa suot niyang heels.
"Masyado kang maganda para umupo sa carpet." I said. Nakatayo ako sa tabi niya habang nakaupo pa rin siya at nakasandal sa pader.
Umupo na rin ako. Wala akong pakialam kung mainis siya sa akin. Gusto ko lang magkaayos kami.
"What are you doing here?" She asked. "Well, i am an investor here
so--"
"I mean HERE. What are you doing here?" Oh. I didn't get it at first.
"Wala. Sinundan ka. Si Ria may sabi." Natawa siya nang mahina nang sinabi kong si Ria ang may sabi.
"Bumalik ka na doon. Wala ka naman makakakwentuhan dito eh." She said pero hindi ako umalis.
"Ummm. About the dinner. I'm really so--" Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita.
"DON'T mention it. Kalimutan nalang natin yun." Tumango nalang ako.
"I just wanted to be in good terms with you. Kahit hindi close. Kahit friends lang." I said and tumingala ako sa kisame waiting for an answer.
Amara let out a deep sigh before answering. "Look, hindi madaling makipag ayos sa iyo. I'm really sorry."
Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya. Tumango ako and I was about to stand up and leave when she spoke again.
"But i guess it's not too late to give you a chance." Hindi ko alam pero kusa akong napangiti at humarap sa kanya na nakaupo pa rin sa sahig.
"Ibig sabihin ba magkaayos na tayo?" Nakangiti kong tanong. Tumango naman siya.
"Yes! I promise hindi masasayang itong chance na binigay mo." Sa sobrang saya ko ay bigla ko siyang nayakap.
"Ha ha. Friends lang Alex. Friends lang." Awkward siyang natawa at lumayo naman ako ng konti.
"Sorry. I just got carried away." I said pero hindi ko pa rin mapigilan ag pagngiti ko.
Amara's POV
Yup, you heard it right. I gave him another chance. Para magkaayos kami. Wala namang mawawala. Wala rin kasing mangyayari kung tuwing magkikita kami ay iniiwasan o naiinis ako sa kaniya.
Hindi rin ako makapaniwala na magkaayos na kami. Friends lang ha. Friends lang.
So anyways, nakaupo kami dito sa tahimik pero maliwanag na hallway. Dito kasi ako napadpad kakaiwas sa dalawang lalaking sakit ng ulo kanina. Tapos sobrang sakit na ng paa ko sa sapatos na suot ko kaya umupo ako dito sa sahig at tinanggal yung sapatos.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21
