Garden and Flowers

211 9 22
                                        

Calli's POV



Kanina pa ako nandito sa hotel room. Mag-isa nga lang ako eh. Kasi nasa kabilang room sila tita Ria. Tapos nasa isa pang room si ate Tarra. Nililibang ko nalang yung sarili ko sa tv. Tinatry kong tawagan si ate Tarra para may kausap ako pero parang tulog na siya.

Grabeee, ang cute kanina ni sir Alex tsaka ni mommy. Hindi namin alam talaga na magpopropose siya. Hahahaha. Dinala dito kanina ni tita Ria yung hiniram kong pantulog sa kaniya na para kay mommy. Kasi kung sinabi ko sa kaniya kanina na magdala ng pantulog, edi nalaman niya na may surprise. Kaya sinabi ko nalang kay tita Ria na kung pwede magdala ng extra na pantulog.

"Hayyyy. Ano kaya pwedeng gawin?" Nakaupo ako sa dulo ng bed at tatayo sana ako pero naiisip ko saan naman ako pupunta kaya napapaupo nalang ulit ako.


Pero naisip ko na magprepare na para matulog that's why pumunta na ako sa cr at naghilamos and toothbrush. Habang nagpupunas ako ng kamay sa towel, narinig kong bumukas yung pinto.


"Hello po." Sabi ko pagkalabas ko ng cr. Nandyan na kasi si mommy.


"You're still awake?" Tanong niya.



"Hinihintay po kita eh. Eto po pala yung pantulog niyo, hiniram ko lang po kay tita Ria. Hahahaha." Inabot ko sa kaniya yung silk pajamas para makapagpalit na siya.

"Thank you. Sandali lang." Pumasok siya sa cr para magpalit tapos umupo muna ako sa kama at nagcellphone. Nilalike ko yung post ni tita Ria na mga pictures kanina.

Ang galing. Sakto lang kay mommy yung damit. Hahaha. Umupo din siya sa kabilang side ng bed at nagcellphone muna.

Amara's POV

Anggaling ah. Sakto lang yung pajamas. Nakaupo lang kaming dalawa ni Calli sa kama and busy on our phones. Naramdaman ko siyang lumapit sa akin kasi lumulubog yung higaan.

"Pwede po ba akong tumabi sa iyo?" Tanong niya habang nakasilip ang mukha sa gilid ko. I put down my phone at umayos na ng higa.

"Wala ka namang choice. Isa lang yung bed dito. Hahahaha." Tumawa naman siya nung narealize niya siguro.

Nakayakap lang siya sa akin tapos pinaglalaruan yung kamay ko while i'm caressing her hair.

"Congratulations po. Finally, hinihintay ko na po ito ng matagal eh." Hahaha. Pareho sila ng sinabi ni Ria.

"Thank you." Ang sweet talaga ng batang ito.

"Atleast po kapag kinasal na kayo, hindi na po mauubusan ng gas yung kotse ni sir Alex kakahatid sundo sa atin." Tapos biglang tumingala sa akin at tumawa.

"Vlog ba yan?" I saw kasi na may nakapause siyang pinapanood.

"Ah opo. Vlog po ni Luna yung True or False kasama yung parents niya. Sila mam Corrine. Nagbigay din po kasi ako ng assumption para masagot ng parents niya. Hahahaha."

"Patingin nga." We watched the vlog habang nagpapaantok. When we're done, i turned off the lamp on the bed side table and went to sleep.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Alex's POV

It's already morning and i'm just looking at the view from the balcony. Pasunrise pa lang and i took pictures of it. Uuwi na din kami mamayang tanghali. I sat down and continued drinking my coffee.

After an hour, i decided to go outside of my room kasi wala naman akong kausap dun dahil mag-isa lang ako sa kwarto. I passed by Amara and Calli's room kaya naisipan ko na katukin sila.



Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon