Calli's POV
It's a new day na naman po. Kamusta naman kayo dyan? Busy ang lola niyo dahil as usual, pupunta ako sa pwesto.
"O eto para hindi na kayo bumili ng pagkain sa labas. " So malalaman niyo naman sa mga words ni Lola Carina na nalaman niyang muntik na akong mabangga kahapon. Alam niyo bang nasermonan pa kami ni ate Ganda kagabi. Imbes na uuwi na siya, eh muntik pa siyang mag overnight dahil kay Lola.
"Tenk you La. " Kiniss ko na siya sa pisngi at lalabas na sana pero alam kong may pahabol pa yan.
"Mag-iingat ah. Kapag may ganyan pa ulit na nangyari hindi na kita pagbebentahin sa pwesto. "
"Opo. Mag-iingat na po. Ingat din po kayo dito. " lumabas na ako ng bahay at naglakad.
~~~~~~~~~~
Pagkarating ko sa pwesto ay nandun na si Ate Ganda at kasalukuyang kumakain ng siopao.
"Good morning." Bati ko sa kanya.
"Good morning. Kain ka dyan. May siopao tsaka tinapay na may cheese. "
"Shala. Siopao at cheese bread na ah. Eto may pinabaon din si Lola. Huwag na daw po tayong bumili hahaha. "
Binaba ko sa mesa yung dala kong bag at kumain na ng cheese bread. Kumain naman na ako ng agahan pero gutom pa rin ako eh. Ganyan talaga.~~~~~~~
Pagkatapos kumain ay tumayo na ako sa labas ng pwesto para magtawag ng customers.
"O mga mam, ser, bili na po kayo ng tshirt, dress, kung ano man po ang kailangan niyo nandito yan sa aming pwesto!" Ginawa kong patula ang pagsasalita para makainvite ng mga mamimili.
Maya-maya pa ay nagdadatingan na ang mga customers at busy kami ni ate Ganda sa pagbebenta.
"Iba talaga ang taray ng hair mo Calli. Nagdadatingan mga customers pag ikaw ang nakikita. " Natawa naman ako sa hirit ni Ate Ganda.
"Try mo, tayo ka dyan sa harap ng pwesto tapos sabihin mo 'Gaganda at gagwapo ang bibili ng damit namin. ' Hahahahahaha. "
"Eh ayoko nga. Ikaw lang naman ang magaling mag entertain ng customers eh. " Hindi ko rin alam kung paano ako natuto sa pagmamarket ng mga damit. Dahil na rin siguro lagi akong sumasama sa pagbebenta kahit nung bata pa ako.
Sige talk to you later. May aasikasuhin pa kami eh. Babyeeee.
Amara's POV
"Ate, kinancel ko na po yung mga appointment niyo from 1 pm onwards. "
"Sige. Magprepare ka rin mamaya dahil sasama ka. " Sagot ko habang nag-aayos ng mga papeles.
"Ok po. Dalhin ko lang po ito sa design department. " Tumango na ako at lumabas na siya ng opisina.
Mamaya after lunch ay bibisita kami sa tiangge and ukay-ukay para magobserve kung paano nila minamarket ang mga paninda nila. Yun ang isa sa mga napag usapan ng board nung last meeting.
Uminom ako ng coffee at tinuloy ang aking ginagawa.
~~~~~~~~~~~~~
It's already 1:37 and kakatapos ko lang maglunch. Nilinis ko muna ang table ko and dumiretso sa cr para magpowder.
"Ate? Pinahanda ko na po yung sasakyan. " Narinig kong sabi ni Tarra sa labas kaya lumabas na ako ng cr.
"Sige. Sandali lang. " Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng office.

BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
Storie d'amoreAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21