Calli's POV
Gabi na and kakatapos lang namin magdinner. Nagpalit lang ako ng damit tapos humiga na ako sa kama para magpaantok.
*knock* *knock*
Tumayo muna ako at dumiretso sa pinto para pagbuksan yung kumakatok.
"Mommy?" Nakapantulog na rin siya at dala dala niya yung cellphone at charger niya.
"Calli, can i sleep here?" Nag-away kaya sila ni sir Alex? Palagi silang hindi nagpapansinan eh. Tsaka bakit naman dito sa kwarto ko gustong matulog ni mommy eh?
"Bakit po? Nasan po si sir Alex?" Tanong ko.
"Nandun sa kwarto. Sayo ko gustong tumabi eh. Pleaseee." Wala naman akong magagawa kasi baka nga nag-away sila kaya pinapasok ko na siya and dumiretso siya agad sa higaan.
"Nag-away po ba kayo ni sir Alex?" Tanong ko. Para alam ko kung paano ko sila tutulungan.
"Kami ni Alex? Hindi. Ayoko lang talaga siyang katabi. Nahihilo ako sa scent ng pabango niya eh." Ohhh. Okay. Kanina nga narinig namin ni ate Erissa na ayaw niya yung pabango nila sir Alex at sir Lester. Bakit kaya?
So ayun, nagpalipas ako ng oras habang nagcecellphone ako. Pati si mommy. Then humiga na ako kasi inaantok na rin ako eh.
"Goodnight po." Sambit ko.
"Goodnighttt. Sweet dreams!" Sabi ni mommy tapos yumakap sa akin kaya yumakap na rin ako hanggang sa nakatulog na kami.
~~~~~~~~
*yawwwnnnn* Grabeee ang sarap ng tulog ko. Pagdilat ko ng mata, tulog pa si mommy. Pero ganun pa rin yung pwesto namin simula kagabi.
Naiihi na ako kaya dahan dahan akong kumilos para pumunta sa cr. Ang hirap nga lang tanggalin yung pagkakayakap sa akin kasi ang higpit. Hahahaha.
Naghihilamos ako sa CR nang biglang may nagkakakatok sa pinto. Nagmadali naman akong buksan at nagulat nalang ako nung biglang dumiretso sa sink si mommy at sumuka. Nangasim tuloy yung mukha ko.
"Mommy, ok ka lang?" Tanong ko. Nagbanlaw muna siya ng bibig niya at nagpunas sa towel bago magsalita.
"Yes. Ok lang ako. Kain na tayo ng breakfast." Lumabas siya na parang wala lang. Ang gulo talaga ng mga nangyayari.
~~~~~~~
"Calli, may itatanong lang ako sayo." Sabi ni tita Ria habang naghihintay kami na iserve yung inorder namin. Wala dito si mommy kasi niyaya niya si sir Alex na bumili ng fruits sa palengke. Pero babalik din naman daw for breakfast.
"Ano po yun?"
"May napapansin ka bang kakaiba kay Amara?" Woaahhh. So ibig sabihin, hindi lang ako yung nakakapansin. Hahaha.
"Meron po. Hindi ko po alam kung weird pero kagabi tumabi po siya sa akin matulog. Ayaw niya daw pong katabi si sir Alex kasi ayaw day niya yung amoy ng pabango." Pagkukwento ko.
"Oo, diba kahapon din? Ayaw niya sa pabango nila Lester at Alex. Ano pa?"
"Uhmmm. Kanina pong umaga, bigla po siyang sumuka."
Ria's POV
Habang nagkukwento si Calli, tsaka ko lang slowly narerealize. Hindi kaya buntis si Amara? Hindi naman imposible kasi mag-asawa na sila ni Alex. Tsaka kahapon ko pa iniisip eh.
Unang una, hindi yun kakain ng ice cream na may ketchup. Baka nga siya pa maunang masuka kapag nakakita siya ng kumakain ng ganun. Pangalawa, ang sensitive ng pang-amoy. At pangatlo, kung ano anong pagkain ang gustong kainin. Tapos ang tindi ng mood swings.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21