Who She Really Is

365 12 0
                                    

Amara's POV

"Alex, usap muna tayo dito." Pinigilan ko muna siyang pumasok sa loob.

"About saan?"

"Teka. Kukunin ko lang sa loob." Sabi ko tapos pumasok ako sa room to get the DNA test results.

"Eto. I got that earlier this morning." Inabot ko sa kaniya then he opened it.

"It's true. She really is Isabella." He said while smiling habang nakatingin sa papel.

"I just don't know if we should tell her now. I mean, baka maguluhan siya."

"I-i don't know. Alam kong mommy ang turing niya sa akin p-pero matatanggap niya kaya na ako talaga ang totoo niyang mommy? Matatanggap niya kaya na siya si Isabella? I-i---"

"Hey. You don't have to worry about that. Calli loves you so much. And mas maganda na sabihin na natin sa kaniya ng mas maaga." Sabi ni Alex. Tumango lang ako and niyakap niya ako.

Pumasok kami sa loob and nakita namin na inaayos ni Calli yung sketch pad nila kanina. Nilagay niya sa side table pati yung mga pencils.

"Calli, okay lang ba if we talk to you for a few minutes? May sasabihin lang kami ng dad mo na importante." Bungad ko. Umupo kami ni Alex sa magkabilang side ng bed.

"Sige po. Tungkol po saan?"

Tumingin muna ako kay Alex bago magsalita ulit.

"Uhh. I just want to ask muna if you remember how you got here? Kung anong nangyari sayo before ka dalhin dito sa hospital." Panimula ko.

"Naaalala ko lang po, may maliwanag na ilaw na.... na galing sa sasakyan. Tapos nagising po ako na nandito na ako and h-hindi ko po maalala yung mga nangyari." She said.

"How about this? How did you get this?" Tanong ko then i showed her the wound on her hand. Naningkit naman ang mata niya as if iniisip ng malalim kung saan ito nanggaling.

"Hindi.....hindi ko po maalala. Basta--- puro dugo. Puro dugo po yung kamay ko. Yun lang po yung naaalala ko. Sorry po." Sagot niya then yumuko siya.

"No. It's okay. Hindi ka namin pipilitin to remember that. We're just asking." Sabi ni Alex. Then tumingin sa akin para isignal na sabihin ko na kay Calli.

"Uhmm sweetheart, alam kong magulo pa ang isip mo ngayon. I know you can't focus that much because of your situation." Nakatingin lang siya at nakikinig ng mabuti.

"But uhmm. Alam mo naman noon pa na i really miss Isabella diba? Everyday, i miss that little girl of mine." Sabi ko. Ngumiti lang siya at humawak sa kamay ko.

"Pero it turns out, that i don't have to miss her anymore." Dugtong ko kaya kumunot ang noo niya in confusion.

"Kasi kasama ko na siya."

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" She asked habang palipat lipat ng tingin sa amin ni Alex.

"Sweetheart, you're my daughter. Anak kita." I said then a tear fell from my eye.

"I'm your real mommy. Hindi si Sam." My voice broke when i said that.

"Ikaw si Isabella." I said habang nakatingin sa mga mata niya. I wiped my tears first and sniffled.

"Here's our DNA test result." Binigay ko sa kaniya and she started reading it. Hinawakan naman ni Alex yung kamay ko at ngumiti.

"Ako? Ako po si..si Isabella?" She asked while tears are also running down her face.

"Yes. Ikaw." I said while nodding then i hugged her. Ang sarap sa pakiramdam to hug the person na matagal nahiwalay sa amin noon knowing na siya yon.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon