The night before the wedding
Amara's POV
Maaga akong uuwi ngayon kasi tomorrow is a big day. Si Tarra na rin halos nag aasikaso ng mga gawain ko dito sa office kasi busy din ako.
"Ate, pwede na po kayo umuwi para makapagbeauty rest. Ako na po bahala dito." Tarra said when she entered my office.
"Sure?"
"Opo." Tapos bigla siyang umupo sa harapan ng desk ko. "Madammmm, mamimiss talaga kita." I laughed because of what she said.
"Sira. Ikakasal lang naman ako, dito pa rin ako papasok. Hahahaha." I told her. Tawa na ako ng tawa. Hahahaha.
"Ay ganun po ba? Akala ko naman eh." Though she's partly right kasi may mga changes na magaganap. Like merging of the companies. But ganun pa rin. Company name and management lang ang magbabago.
"Oh sige, after that, umuwi ka na rin. Kapag hindi ka nakarating bukas, hahanap ako ng bagong secretary." I jokingly said.
"Ay opo naman. Can't miss that. Ingat po kayo." She said as she took the brown folders and envelopes from my desk.
"Bye. See you tomorrow." Lumabas na ako ng office and headed to the basement kung nasan nakapark yung kotse ko. Nilagay ko sa passenger seat yung bag ko and started driving.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagkauwi ko, tulog na daw si Calli. Ang aga ah. 8 pm palang. Dumiretso nalang ako sa room and prepared to go to bed. Hindi pa naman ako inaantok that's why nagstay muna ako sa balcony ng room ko.
I took a picture of my hand na may ring. May naisip lang akong gawin. Hahahahaha. Pinilit pa ako ni Ria na magpabridal shower pero sabi ko huwag na. Magbabakasyon nalang kami after ng kasal. Pero matagal pa yun kasi back to busy lives ulit kami after tomorrow.
Habang tahimik akong nagcecellphone, biglang tumawag si Ria sa facetime.
"Ano?" Tanong ko.
"Sungit. Yun agad ang bungad. Anyway, pupunta ako dyan bukas ng maaga ah."
"Talaga namang kailangan mong pumunta dito bukas ng umaga kasi ikaw ang mag aassist. Hello????"
Paikot ikot siya sa bahay, parang nagliligpit yata.
"Oo nga. And oy, huwag mong tatangkain na ifacetime si Alex ah."
"Opo. Ako na nga umuwi mag-isa eh. Hindi na ako nagpasundo."
"O sige na. Ehem breakfast naman dyan."
"Sa reception ka nalang kumain. Joke. Hahahahha."
"Sabunutan kita dyan eh. Joke lang din. Hahaha."
"Magpapaluto nalang ako bukas. Pumunta ka ng maaga."
"Oo nga. Gusto mo alas kwatro palang ng madaling araw nandyan na ako eh."
"Hahaha. Sige na. Babyeee."
Pumasok na ako sa room and I turned off my phone. Natulog na ako para maganda gising ko bukas.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Calli's POV
Nagising ako kasi parang ang daming tao sa sala. 8:45 am na. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, nandun si ate Tarra at parang kakatok pa.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21