Memories

246 8 0
                                    

Alex's POV

We came home from our jogging turned to foodtrip. Umakyat na sa room sila Amara while I'm checking kung anong pwedeng lutuin for lunch mamaya.

After that, i headed upstairs. Pero before i could fully open the door, i heard chattering from inside.

"That's you when we first went to an ocean park na kasama ka." Narinig kong sabi ni Amara. Sumilip ako ng kaunti and saw that they're looking at a photo album.

"Hahahaha. Ano pong ginagawa ni dad?" Calli asked. Aba, ano ba yon at nasali ako?

"He was trying to talk to the sea lion. Eh sinampal siya. Hahahaha." Amara said while laughing. I remember that.

"Then here, first time mong makakakita ng penguins and sobrang tuwang tuwa ka. As in pag-uwi natin, all you ever said was the word 'penguin'. Kahit magkanda bulol bulol ka na, yun ang sinasabi mo. Hahahaha." Natatawa lang si Calli sa mga kinukwento ni Amara sa kaniya.

"Saan naman po ito?" Tanong niya habang nakaturo sa photo album.

"Uhmmm. That's your dad's birthday. You were only 7 months at that time. Nasa mall tayo niyan."

Flashback

"Baby! Are you excited huh? We're here at the mall!" Kinakausap ni Amara si Isabella in a baby tone. She kept uttering words na hindi namin maintindihan pero she's so adorable.

Nakapark lang kami and inaayusan lang niya ng damit si Isabella. Sinuotan siya ng pink headband. Inaalis niya kasi kapag beanie ang nilalagay namin eh. Baka naiiritate siya sa fabric nung beanies.

"Let's go?" Pinagbuksan ko si Amara ng door and lumabas muna siya tsaka niya kinarga si Isabella.

Today is my birthday and we're going to eat dinner here sa mall. Pero bago kami makarating sa resto, Isabella saw the department store and syempre pinagtuturo niya kaya pumasok na kami sa loob. Pumunta na kami sa toy section kasi 'yun lang naman ang gusto ni Isabella.

"Mukhang si Isabella ang may treat ngayon ah." She jokingly said to me habang tumitingin din ako ng laruan.

"You know what i want. You don't have to buy me anything." I said kaya napatingin siya sa akin and i just gave her a playful smile.

"Kahit sa pisngi lang Amara, papayag na ako. But since it's my birthday it's up to you--aww. I'm just kidding." I said habang hinihimas yung braso ko dahil sa pagkakahampas niya. Bumaling nalang ulit siya sa mga laruan at kinusap si Isabella.

"You want this?" Tanong niya habang hawak yung teddy bear na pink because Isabella keeps on reaching for it. She giggled nung nilapit ito sa kaniya.

"Dad, eto daw." Amara said kaya napatingin ako sa kaniya. Tama ba yung narinig ko? Tama ba? We have no permanent term of endearment pero to hear her call me that. Parang gusto kong laging marinig yun from her.

"Earth to Dad? Kuha ka ng basket please." She snapped in front of me kaya nabalik ako sa reality. Lumabas ako ng aisle to get a basket and bumalik ako sa kanila.

Sinubukan niyang ibaba si Isabella and nandoon siya sa harap niya while holding her two tiny hands and guiding her to walk. Hindi pa kasi siya nakakalakad because she's only 7 months old.

She loves to giggle and laugh kaya sobrang cute niya. And when she laughs, you can see her two bottom teeth which makes her more adorable.

"Ako na kakalong sa kaniya." Pagpepresinta ko then kinalong ko na si Isabella. Si Amara na ang nagdala ng basket.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon