Sweetness Overload

269 9 12
                                    

Hiiii. So as you can see from the title, sobrang cheesy ng chapter na ito. So sabay sabay tayong kiligin. Hahahaha. okay continue reading. ❤❤❤




Alex's POV


Nasa kabilang kotse sila Calli and Amara kasi may dala din akong kotse kaya kaniya kaniyang biyahe na kami pero magdidinner muna kami. Naging parang tradition na ito na after ng successful photoshoots or kahit na anong events, we would eat outside or atleast a bonding or roadtrips. Pero since pagabi na, dinner nalang muna.


Nakarating na kami sa Japanese restaurant kung saan kami kakain. Si Ria and Amara ang magkasama at nagkukwentuhan. Tapos magkasama naman si Erissa and Calli. Sumusunod lang ako sa kanila eh. Hahaha.

We were given the menu and busy ang lahat sa pag order. Katabi ko si Calli so lumapit ako ng kaunti kasi may sasabihin ako sa kanya.

"Calli, pwede mamaya after magdinner, maggala muna kayo nila Amara and Erissa? May pag uusapan lang kami ni Ria." Tumango naman siya. Sobrang hina na ng pagkakasabi ko para hindi marinig ni Amara. Tapos binulong din yun ni Calli kay Erissa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Patapos na kaming kumain. Binabagalan ko talaga eh. Tinext ko na rin si Ria na magpaiwan kapag niyaya nila Calli si Amara.

"Mommy, pwede po ba tayo pumunta sa katabing mall? May titignan lang po kami ni ate Erissa." Ok. Start na. Hahahahaha.

"Anong oras na ba? Ngayon talaga?" Tanong ni Amara kasi medyo late na nga. Pero sana pumayag.

"Opo tita, i just want to show something to Calli. It'll be very quick. Please po." Ang galing talaga ng acting skills ng mga batang to eh. Hahahaha.

"Sige. Kayo?" She's referring to me and Ria.

"No. Kayo nalang. Hindi kami tapos kumain eh." Excuse ni Ria.

"Ok. Text nalang ah." Ayun. Umalis na silang tatlo.

"Ano bang paandar ang gagawin mo Alex?" Ria asked me.

"Malapit na yung birthday ni Amara diba?" Napaisip naman siya sa tanong ko.

"Oo nga pala. End of June yun noh?"

"Exactly. Kaya i need your help para masurprise siya." Si Ria kasi ang magaling sa ganito eh.

"Ay sus. Pasurprise ka pa. Dalhin mo sa damuhan, magpicnic kayo. Tapos!"

"Ria, please be serious." She just rolled her eyes on me. Magkaibigan nga sila ni Amara. Hahaha.

"Oo na. Eh teka, malayo pa naman birthday niya. Second week palang po ng June. Hello?" Hindi ko talaga makakausap ng matino itong si Edelina eh.

"Edelina, kaya nga pinaplano na ngayon para hindi rush. Kasi kapag last minute, boses mo lang naririnig ko sa phone sa umaga eh. Mamamadaliin mo lang ako sa pagpeprepare ng surprise party."

"Grabe ka naman. Osya sige, mag iisip ako ng magandang paandar."

"Thank you." I said to her. Maaasahan talaga itong si Ria. Huwag lang aandar ang bibig. Nako.

"Anong thank you? Libre mo ako. Jokeeee. Welcomeeeee." Mapapailing ka nalang talaga.

~~~~~~~~~~~~~~~

Amara's POV

Nasan na ba kami? Kung saan saan ako hinila nitong dalawang kasama ko eh. Parang mga mini version ni Ria. Hahahahaha.

"Tita, is it really true na you're back with tito Alex?" May pinagmanahan talaga si Erissa eh.

"Sinong nagsabi? Mom mo?" Si Calli naman tumitingin ng mga books. Nasa bookstore kasi kami. Ngayon ko lang napansin.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon