Sunset

245 9 0
                                        

Amara's POV

Another morning, another work day. Hayyy. It's been 2 weeks since all of the crazy things happened. You know, yung nakita ko si... Bakit ba ako nagpapaliwanag?


Anyway, i'm getting ready for work. Marami akong kailangang asikasuhin today. Inaayos ko na ang mga gamit ko and i looked at myself in the mirror before leaving my room.




Pagbaba ay dumiretso na ako sa kotse. Hindi naman na ako kumakain ng breakfast. I don't know pero lagi akong walang ganang kumain sa umaga.



Tahimik lang akong nagdadrive at as usual, city traffic. Lagi naman. Tinignan ko nalang ang sarili ko sa rear view mirror habang nakahawak ang isang kamay sa manibela.

~~~~~~~~~

Nakakabadtrip ah. Halos 20 minutes na pero hindi pa rin dire-diretso ang pagdadrive. Pahinto-hinto. Jusko po. I rolled down the driver's seat window halfway.


"Hay trafficccccc...grrrrr!" Dun ko nalang nilabas yung inis ko.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napalingon sa kotse sa right side ko. Nakita kong nakabukas din ang bintana ng kotse sa tabi ko at nang makita ko ang nakaupo sa driver seat ay parang nasilaw ang mata ko at dumiretso ng tingin.


"Bakit ba kasi ang hilig hilig mong lumingon Amara?!" I said to myself. Agad kong kinuha yung shades sa bag ko at isinuot ito. Saka ko sinara yung window.

Of all people. Of all people, si Alexander talaga??? Akala ko last week lang ako mababadtrip. Pati ba naman ngayon?

~~~~~~~~~~~~

"Good morning mam!" Bati ng mga employees sa akin habang naglalakad ako papunta sa elevator. "Good morning." I greeted with a smile. Hindi magandang dinadala sa trabaho ang pagkabadtrip.


"Good morning mam. Fresh na fresh ah." I just rolled my eyes and laughed sa comment ni Tarra. Kapag kasi nasa harap ng employees, 'mam' ang tawag niya sa akin. Kapag naman kami kami lang, 'ate' ang tawag niya.


"Good morning. " Dirediretso akong naglakad patungo sa office ko.


Pagkababa ng bag ay umupo na agad ako sa swivel chair at binuksan na yung folder na nasa desk. Mga sales report, investment portfolio at kung ano ano pang related sa business namin.


I opened my phone and tinawagan ko si Tarra.



"Hello? Coffee please. Thank you." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagrereview and pag-aayos ng files.


After a few minutes ay dumating na si Tarra na may dalang coffee at paper bag.


"Yan na po ate yung coffee. Tsaka ito po, snack ninyo. " Binaba niya sa desk ko yung mga pagkain at nagpasalamat ako sa kanya bago siya lumabas ng opisina. She knows na hindi ako kumakain ng breakfast sa bahay dahil nagmamadali ako laging pumasok at dahil din wala akong ganang kumain sa umaga.


Sinara ko muna ang folder at uminom ng coffee. May napansin akong kumikinang sa ilalim ng tambak na folders sa gilid kaya inangat ko iyon at nakitang may silver bracelet sa ilalim.



"Tarra!" I yelled and agad naman siyang pumasok. Nakatingin pa rin ako sa bracelet na hawak ko. "Yes po?" Tanong niya habang nakasilip sa glass door ko.


"May pumasok ba na ibang tao sa office ko?" I asked and tumingin ako sa kanya. She looked confused at tumingin sa taas as if inaaalala niya kung may pumasok ba sa office ko.



Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon