Alex's POV
10 minutes palang ng movie ang napapanood namin and kanina pa tawa ng tawa si Amara. Side effects ba yan ng pagbubuntis niya? Nagkakatinginan na nga lang kami ni Calli eh.
Ito naman si Calli na pinaglilihian, naaawa na ako, kanina pa kain ng kain dahil sinusubuan ng dessert ni Amara. Hindi ko naman masita kasi baka sumpungin na naman. Hindi ko na maintindihan mga nangyayari. Hahahahaha.
We're halfway through with the movie and parang tumahimik. Nakasandal kasi sa braso ko si Amara. I moved a little to check on her and tulog na pala sila ni Calli. Inayos ko yung higa niya para hindi mangawit. I turned off the television and the lamp on the bed side table. Yumakap naman si Amara sa akin and i hugged her back. I kissed her forehead goodnight then i fell asleep after.
~~~~
"Alex." I heard my name being called. Sobrang dilim kaya inaadjust ko pa yung paningin ko. Then i turned on the lamp para may konting ilaw.
I looked at my phone and it's 1 am. "Bakit gising ka pa?" I asked her.
"I want siomai." Here we go again with the food cravings.
"Ngayon?" Tanong ko.
"Yes. Now. Pleaseeeeee." She pleaded. Hayyyy.
"Okay." I answered. Bumaba kami sa kitchen and i gave her a glass of water bago ako magluto.
"Kakagising mo lang?" Tanong ko sa kanya while she's playing on the bar stool. Iniikot ikot niya yung upuan.
"Actually kanina pa akong mga 12:30 gising. Then may gusto akong kainin. I didn't know kung ano. Tapos i browsed on my phone then nakita ko yung siomai. Yun pala yung gusto kong kainin." She explained. Naghanap ako sa freezer ng siomai. Wala pala. Paano ito? I just scratched my head dahil hindi ko alam paano ako magluluto kung wala naman yung iluluto kong pagkain.
"What's wrong?" She asked me.
"Wala ka na bang ibang gustong kainin?" I asked her. Baka naman may iba pa siyang cravings na meron kami dito sa bahay.
Umiling naman siya agad. "Nopeee. Siomai lang. Please."
"Sige, ganito nalang. Titignan ko kung may bukas pa na convenience store na nagbebenta ng siomai. Okay lang?"
"Basta gusto kong kumain ng siomai. Period." Okay. That's a yes.
"Wait here. Mabilis lang ako." I took my car keys and lumabas na ako ng bahay. Sana may 24 hour open na mini mart dito. I drove out of the village and may nakita akong bukas pa na mart. Yes!
Pagpasok ko sa loob, hinanap ko na agad yung siomai. Kumuha na ako ng dalawang balot. Then biglang nagvibrate yung phone ko.
From: Wifey ❤❤
I also want cheese cupcakes.
She texted. I replied with an 'okay' tsaka ako pimunta sa kabilang aisle and kumuha ng isang balot ng cheese cupcakes. Nagbayad na ako sa counter then umuwi na agad ako dahil lulutuin ko pa itong siomai.
~~~
I parked the car and went inside. Nandun pa rin si Amara and she's eating oranges. Again.
"Nakabili ka?" She asked me nung mapansin na nandito na ako.
"Yes. Eto na. Cheese cupcakes and siomai." I placed the cheese cupcakes sa harap niya and sinimulan na niyang kainin yun. I prepared the steamer and nilagay ko na yung siomai.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21