Iwas to the Max

144 5 0
                                        

Ria's POV

Nagising ako sa sobrang liwanag dito sa kwarto. Ang liwanag tapos ang lamig. Dinilat ko na ang mata ko at nakitang nakabukas na yung sliding door ng balcony tapos ay maayos na yung higaan ni Amara. Natulog ba yun? Parang ang aga naman yata niya nagising.

Inabot ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. 6:30 am palang? Sobrang aga paaaaaaaaa. Gusto kong bumalik sa tulog pero nagising na ako eh.

At sino ba naman ang makakabalik sa tulog ha? Si Amara pabalik balik sa cr tapos pupunta sa balcony tapos uupo sa higaan niya. Tapos uulit ulitin niya lang yun.



Nagtakip nalang ako ng comforter tsaka ng unan dahil nakakasilaw dito sa kwarto.

Lester's POV

Dude, alas sais palang gising na si Alex. 6:30 am na and still, hindi pa rin ako makabalik sa tulog dahil ang likot ni Alexander. Tapos nakatingin sa kawalan tapos ngingiti.


Bakit ba ang aga niyang nagising? Ang naaalala ko kagabi naalimpungatan ako, he entered the room at dumiretso sa cr. That was like around 10:20 pm.

"Good morning!" Bati ni Alexander nang makita niya na gising na ako.


"Alex, magpatulog ka." Sabi ko at tumalikod na sa kaniya.



Ria's POV

Grrrr. Sira na ang tulog ko. No choice kundi bumangon. Sandali lang, magtutoothbrush muna ako bago natin simulan ang daily routine na pang aasar natin sa kanya.


Pagkatapos kong magtoothbrush ay nagmamadali akong lumabas para mainterview ko siya.


"Ms. Amara Claire! Nasan ka kagabi?" I asked her paglabas ko ng cr.


"Kagabi? Nandito sa kwarto." Oo nga naman Ria. Nandito siya sa kwarto.

"I mean, kagabi. As in bago ka matulog. Kasama mo si Alex noh?"

"Ahm---

"Huwag kang magdeny dahil naramdaman kitang pumasok dito sa kwarto kagabi. Nagswimming kayo noh?"

"Hindi kami nagswimming. Naglakad lakad lang kami. At tsaka napakalamig para magswimming kami." Wehhhhhh. Pinaningkitan ko ng mata si Amara at tinitigan siya ng mabuti.


"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta nandun lang kami sa pool area." Ahhh. Nasa pool area naman pala.


"Ohhh. So okay na kayo ni pareng Alex?" Tanong ko. Kapag ito humindi. Ay nako.



"Ewan. Huwag mo na nga akong tanungin tungkol dyan." Tapos ay tumalikod siya.

"Ay. Hmmmm. Nasabihan mo na naman ba ng 'i love you'?" Tanong ko at humarap agad siya at nagbago ang ekspresyon ng mukha.




"No. Of course not. Why would i do that?" Wehhh? Eh parang naaalala ko, a few days ago lang, sinabihan mo siya ng i love you eh. Hahahaha.





"And please, huwag mo nang ipaalala sa akin si Alex? Please lang." Woahhh. Ano kaya nangyari? Baka magkagalit na naman.

Ano ba yan? Yung operation 'magkabalikan ulit si Alex at Amara' laging nagbaback to zero kapag panibagong umaga. Yung tipong ang ganda na ng progress kahapon tapos balik na naman sa dati ngayong umaga.


Itext ko kaya si pareng Alex? Hmmm.


To: Asawa ni Amara

Alex, kasama mo ba si Amara kagabi?


Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon