Alex's POV
Nilaglag ako ng mga boys kanina ah. Motto yung tinutukoy ko eh tapos yun yung sinabi nila.
"Pinapaulit ulit mo palang mahal mo ako ah." Pang aasar ni Amara sa akin.
"Totoo naman." Bawi ko. Nagpigil siya ng ngiti then she cleared her throat.
"Sam called me last night." Sabi ko kaya napatingin sa akin si Amara.
Pagkatapos ay tumingin siya sa cup of coffee ko.
"What did she say?" Tanong niya habang nagbubusy busy-han sa paghahalo ng kape ko.
"Kung pwede raw na bumalik na muna si Calli sa kaniya." Amara scoffed and tumingin sa akin with a smirk.
"Ibabalik sa kaniya? Eh sinasaktan niya yung bata tapos gusto niyang bumalik sa kaniya? Hilo ba siya?" I can hear the annoyance in her voice.
"I know. Calm down." I said kasi naiinis na naman siya.
"Anong sabi mo?"
"I said pag-usapan nalang namin. Mamaya after ko kayong ihatid pauwi, magkikita kami to talk about it." Sagot ko. Then she just looked at me with no emotions on her face.
"Don't worry. Magkikita kami to talk about Calli. Nothing more, nothing less. I promise!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko to show na talagang sincere ang pagkakasabi ko nun.
"Sure? Subukan mo lang talaga Alexander." She said while rolling her eyes.
"Yes po." I answered.
~~~~
"Naka-go home na sila nanay Estella right? So saan tayo magraride pauwi?" Tanong ni Abi habang may tinitignan sa kuko niya. Tinulak naman siya ng kaunti ni Shara kaya napatingin si Abi sa kaniya with matching eye rolling at inayos niya ang buhok niya.
"Ano ka ba? Saan ba sumasakay ang tao? Edi sa sasakyan." Sagot ni Shara.
"Minsan talaga, hindi nag-iisip si Abi." Bulong ni Shara kay Elvi. Nagpigil si Amara ng tawa dahil sa narinig niya. Kwela din itong mga batang to noh?
"Ikaw din naman kasi Shara, ang gulo mo kausap. Wala nga tayong masasakyan pauwi." Sabi ni Elvi.
"Van naman yung dala ko. Kasya tayo dun. Ihahatid nalang namin kayo." Pagvovolunteer ni Amara.
"Ay huwag na po. Nakakahiya na po sobra." Sabi ni Elie while waving her hand as an indication na tumatanggi siya.
"Okay lang. Ano ba kayo, tsaka wala naman kaming gagawin today. Uuwi lang din naman. Sabay na kayo." Yaya niya sa kanila. Nagtinginan pa sila pagkatapos ay humarap sa amin si Elie. Ang kanilang spokesperson. Hahahaha.
"Sige na nga po." Nahihiya niyang sabi. Dinala ko na sa sasakyan yung mga gamit namin nila Amara and Calli sa hotel.
"Sige po manang, uwi na po kami." Nagbeso na kami ni Amara kay manang Flor habang sumasakay ng sasakyan yung mga bata.
"Mag-iingat ah. Tsaka bumalik din kayo dito."
"Opo babalik kami. Hehehe." Sagot ko. Kumaway na ako sa kaniya pagkatapos ay sumakay na ako sa driver seat at katabi ko si Amara na nasa passenger seat. Nagsuot muna kaming dalawa ng seatbelt for safety.
"Nandito na ba lahat?" I asked while adjusting the rear view mirror.
"Yes!" "Opo."
Sabay sabay na sagot nilang lahat na nasa van. I started the van and we drove away from the farm. It's gonna be an hour drive para maihatid yung mga bata sa kanila then another hour para makauwi kami sa bahay.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21
