Amara's POV
It's been five days and I just picked up the DNA test results. Pabalik na ako sa office and i just kept on looking at the envelope. Gusto ko nang buksan pero ayaw ko. Naduduwag ako dahil ayaw kong masaktan.
Nandito na ako sa office ko and I placed the envelope on my desk. Umupo ako sa swivel chair and tinititigan ko lang yung envelopes. Dalawang DNA test result yun. Isa kay Calli and Alex tapos isa kay Calli and Sam.
Hayyy. Walang mangyayari kung tititigan ko lang ito. I took one envelope and slowly opened it.
Nakita ko na yung names, kay Calli and kay Alex. Wooo. Kalma lang Amara. I unfolded one part again until makarating ako sa pinakababa.
Nanghina ako when i saw the results.
99% of paternity. Match si Calli and Alex. Napapikit nalang ako. Alex is Calli's dad. Ang sakit.
I took the other envelope and opened it. Namumuo na yung luha sa mata ko. I closed my eyes and tears are running down my face.
99%
Match sila ni Sam. Mommy ni Calli si Sam. How????
I stood up and started pacing back and forth. Hindi mawala sa akin yung takot na baka iwan ako ni Alex dahil may pamilya pala sila ni Sam.
I sat on the couch and covered my mouth para pigilan yung tunog ng iyak ko. Ang sakit sobraaaa.
I can't stop crying, bakit ba kailangang masaktan ako ng ganito kasobra? Parang nanghihina ako na hindi ko maintindihan.
Sana panaginip lang to. Pero hindi eh, kahit anong gawin ko, i can never change the fact that Alex and Sam are Calli's parents.
I went back to the desk and pinaghahagis ko lahat ng gamit sa sahig.
"Bw*sit na buhay to!!!!" I screamed while throwing everything on the ground. Hinawi ko lahat ng nasa display table including the vases. I pushed the swivel chair at tumumba ito sa sahig.
"Ate!" "Amara!"
Alex and Tarra entered my office. Agad akong nilapitan ni Alex and niyakap para pigilan ako.
"Ayoko ng ganito!!" I screamed while pushing him away amd hitting him on his chest. Pero hindi siya nagpatinag at nakayakap lang sa akin. Lahat ng sakit, iniiyak ko na ngayon.
"Ang sakit, Alex. Ang sakit sakit! Hindi ko kaya." I told him. Bumubuhos na ang luha ko dahil hindi ko na kayang pigilin. Parang tinutusok yung puso ko ng unti unti. Naiinis ako, nagagalit ako, nalulungkot ako. Lahat lahat na.
"Bakit? Bakit kailangan kong masaktan ng ganito?!" Umatras siya at tinitigan ako while his hands are cupping my face.
"Tama na. It's not good for you." He said.
"Ate, tama na po." Tarra said habang nakatayo siya malapit sa pinto. I can hear her voice is about to cry.
I buried my face on Alex's chest, hinagod niya lang yung likod ko and he hugged me very tight.
"Shhhh. Calm down." Sabi niya. Napalingon siya sa sahig and saw the DNA test result. He picked it up and i continued crying habang binabasa niya yun.
"What is this?" Tanong niya.
"Anak mo si......Calli. A-anak niyo siya ni Sam." Sobrang hirap sabihin nun.
Pero imbis na magreact si Alex, niyakap niya lang ulit ako.
"Don't worry. Ikaw ang mahal ko." He said while I'm crying on his shoulder.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21