Alex's POV
Sam is detained for now. Pero I still can't forget the conversation that we had yesterday noong dinala siya sa presinto.
Flashback
"Get off of me!" Ito ang naabutan kong eksena pagdating dito when the police called me that they already have Sam. Ang lawyer ko na ang nag-ayos ng lahat.
"Alex?" She called me nang mapansin niyang nandito ako.
"Pwede bang kausapin mo sila? Wala naman akong ginagawang masama eh."
"Look Sam, you wouldn't be here if you didn't do anything." I said.
"Exactly! I want to go home already!"
"You wouldn't be here kung wala kang ginawa. So tell me, sinaktan mo ba talaga si Calli? I want to hear it from you." Madiin kong sabi.
"What? What are you saying Alex?" Patay-malisya niyang tanong.
"Calli remembers what you did. She was physically and mentally hurt by you. Itatanggi mo pa ba 'yon?"
"Anong sinasabi--"
"Just answer me!!" Hindi na ako nakapagtimpi. Alam naman niya ang tinutukoy ko pero nagkukunwari pa siya.
"Oo! I might have hurt Calli dahil kasalanan din naman niya eh! And hindi ko naman sinasadya 'yung mga nagawa ko. I just lost my temper. That's all!"
"Sam, there was blood. That wasn't just a mere accident."
Sabi ko. Nauubos na ang pasensya ko."And one more thing. Why did you fake the DNA test? Does it mean na alam mong si Calli si Isabella?" I asked and she wasn't able to answer. Nakatingin lang siya ng diretso sa akin.
"May kinalaman ka ba sa bombing accident 14 years ago?" Dugtong ko. She sarcastically laughed at tumingin sa kabilang direksyon.
"Pati ba naman sa pagiging pabaya niyo, ako pa ang sisisihin niyo?" I tightly held her arms at pinigilan naman ako ng mga nasa paligid.
"Sumagot ka nalang! May kinalaman ka ba sa nangyari kay Isabella?!"
"Wala! I have nothing to do with that! And bakit ko naman gagawin 'yon? Why would I waste my time on your daughter and her mother? Wala akong pakialam sa kanila!"
"Tandaan mo, I'll be back. At siguraduhin mong tama ang isasagot mo kapag bumalik ako!" I walked out of the scene and went straight to my car.
Pinaghahampas ko ang manibela sa sobrang galit. She's denying everything! Pero kahit gano'n, hindi pa rin mawala sa akin 'yung pagdududa na may kinalaman talaga siya.
Gusto ko lang naman na maging maayos na ang buhay namin.
End of flashback
I don't know when all of this will be over. I just want to give my family a peaceful and happy life that we've always wanted. Is that too much to ask?
~~~~
Amara's POV
Kanina pa ako gising but I can't move properly dahil nakasiksik at nakayakap sa akin itong baby ko. Hahaha. Nakasandal pa sa dibdib ko 'yung ulo niya.
Kinuha ko 'yung phone ko and I took a picture of us habang tulog na tulog siya. Isesend ko sa dad niya. Haha. Speaking of, hindi pa tumatawag sa akin 'yun ah. Hmmm. Baka busy lang sa work. Hayaan na muna natin.
Gusto ko nang magluto ng breakfast pero grabe ang senses nitong batang ito. Naaalimpungatan kahit kaunting galaw lang. Pero this is cozy naman. And of course, I'm enjoying this dahil alam kong one day, Calli will grow up to be an adult and hindi na siya yayakap ng ganito sa akin kaya sulit sulitin na natin. Hahaha.

BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21