Calli's POV
Soooo, hello! Hahaha. Nakauwi na ako from school and kumakain na me ng lunch. Gutom ako okay? Hindi ako nakakain ng maayos kaninang breakfast eh. Hahahahaha. Peace mommy!
After kong kumain, hinugasan ko na rin yung plate and pumunta ako sa kwarto para makapagbihis na. Hectic na yung schedule namin sa school kasi two months nalang, bakasyon na. Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko yung phone ko at headset. Pumunta ako sa dining room dala yung notebooks ko and libro para makagawa na ako ng homeworks.
~~~~~
Sa kalagitnaan ng pagsusulat, nagulat ako kasi nakaheadset pa ako tapos biglang tumunog yung notification ng phone ko. Chineck ko agad dahil message yata yun.
From : Drake Bully
Can you please send the intro part of our science experiment research?
Bumalik ako sa kwarto para kunin yung laptop ko. Habang hinahanap ko sa laptop yung file, may nagtext na naman.
From: Drake Bully
Hurry up.
Me :
Sandali lang pwede?! Nagmamadali? May lakad ka ba?
Nakakabadtrip. Oo, buong school year ganyan siya. Bakit ba kasi lagi kong kagrupo yan eh.
Nung mahanap ko na yung document, sinend ko na sa kanya. Tapos nagcompose ako ng text.
Me:
Yan na. Nasend ko na. Happy?
Hindi na siya nagreply after nun. Hayyyyy. Teka, bakit ba ako naghihintay ng reply?
~~~~~
Habang nagbabasa ako, biglang may nagdoorbell. Tinigil ko muna yung ginagawa ko at lumabas ako para pagbuksan yung tao sa labas.
Sila mommy pala. Nagpark muna sila sa loob tapos sinara ko na yung gate.
"Hello po, ang aga niyo pong umuwi?" Salubong ko kay mommy pagbaba niya ng kotse. Nagbeso muna siya sa akin bago sumagot.
"Yup. We're done with all our schedules for today kaya umuwi na kami. Ikaw? Kakauwi mo lang?" Tanong niya.
"Kanina pa po. Kumain na po ba kayo?"
"Oo, uhm pakilagay nalang ito sa fridge please." Tapos may inabot siya sa akin na box ng brownies.
"Sige po." Dumiretso na sila sa room tapos pumunta ako sa kusina para ilagay ito sa ref. Then i continued doing my homework.
~~~~~~~~~~
Amara's POV
"You know what, why don't you stay at home?" Alex said habang tinatanggal ko yung sapatos ko.
"Napag-isipan ko na yan. Maybe i'll stay at home kapag 5 months na? Pwede pa naman daw akong magwork eh." I told him. Tinulungan ko na rin siyang tanggalin yung necktie niya.
"Hayyy. Hindi naman kita mapipilit. Okay sige. Kapag 5 months na yan, hindi ka na muna papasok sa trabaho ah."
"Of course." I assured him.

BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
Storie d'amoreAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21