Starting Again

283 10 3
                                        

Amara's POV

It's the next day and magllunch na. But!!!! May mga friends na darating because Calli said last night na she wanted to invite Elie, Adi and their friends dito sa house for a late birthday celebration with them. So we just prepared a fun little lunch set up here sa garden.

May nagdoorbell na sa labas and I'm sure sila Adi na 'yun. Hay nako, crush ni Calli nandito. Hahaha. Lumabas na ako para pagbuksan sila.

"Hi po!" Bati ni Elvi.

"Hello! Buti nakarating kayo!" I said while letting them inside.

"Syempre po, si Calli 'yan eh. Hahaha." Sagot ni Elvi kaya napangiti ako.

"Upo muna kayo dyan, tatawagin ko lang si Calli." Sabi ko then I left them sa living room. Umakyat ako sa room ni Calli and I knocked.

"Yes po?" Tanong niya habang nakasilip sa door.

"Nandito na sila ate at kuya mo." Sabi ko kaya binuksan na niya ng tuluyan 'yung pinto and inayos ng kaunti 'yung buhok niya.

Bumaba na kami sa living room and tumakbo agad si Calli sa mga ate at kuya niya. Hahaha.

"Hi Calli! Belated happy birthday." Bati nila habang nagbebeso kay Calli.

"Thank you po!!! Tara, dun po tayo sa garden!" Yaya niya kaya pumunta na sila doon and dumiretso naman ako sa kusina para uminom ng tubig.

Calli's POV

Nakakain na kami ng lunch and nagkukwentuhan nalang kami dito sa lunch table. Kakwentuhan naman nj mommy sila ate Venice at kuya Mikael. Si dad, nasa work pa eh pero baka pauwi na rin 'yun.

"Dalaga ka na ah. May boyfriend ka na ba?" Tanong ni ate Elie kaya hindi ko naituloy 'yung pag-inom ko ng juice.

"Ate! Wala ah." Sagot ko kaya binigyan niya ako ng mapang-asar na ngiti. Si kuya Adi naman ay nakangiti lang habang pinapanood kami.

"Wala ka pang boyfriend Calli???" Si ate Shara naman. Umiling lang ako habang kumakain ng ice cream.

"Eh kayo po? May boyfriend na po ba kayo?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanila.

"Wala ako " Sagot ni ate Shara.

"Me too!" Si ate Abi.

"Ikaw po ate elie?" Bumaling ako sa kaniya. Tumikhim si kuya Adi kaya napatingin si ate Elie sa kaniya ng pasimple. Ayieeeeee.

"Wala din." Sagot ni ate Elie.

"Weh?" Pang-aasar ko. Baka naman kasi....joke. hahahaha. Don't mind me.

Napatingin naman sa akin si ate Elie habang naniningkit ang mga mata. "Siguro meron ka na kaya binabalik mo sa akin 'no?" nangaasar na sabi ni ate elie kaya nanlaki ang mata ko. Nang cocorner sila. Hahaha. Eh wala naman talaga akong boyfriend kahit ilang beses nila akong pigain.

"Wala po talaga, promise!" Tinaas ko pa ang kanan kong kamay para maipakita na sincere ako.

"Crush? May crush ka naman siguro 'no?" Tanong ni ate Elie. Wahahaha. Yes po meron.

"Hehehehe. Opo. Pero as in paghanga lang. Admiration lang. Ganu'n." Disclaimer yan girl? Hahaha.

"Sino?" Tanong niya and tinuro ko si kuya Adi gamit ang nguso ko. Hahahahaha.

"Pero ate, sayong sayo na siya. Promise!" Natawa siya sa sinabi ko.

"Ikaw talaga. Okay lang. Crush lang naman eh." Sabi niya. I love you ate Elie!!! Ang bait mo talaga.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon