Amara's POV
"Ikukuha lang kita ng tubig. Sandali lang." Lumabas siya ng kwarto habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
Pagkatapos ng ilang segundo, pumasok ulit siya na may dala dalang baso ng tubig.
"Here. Drink first." Tumabi siya sa akin and after I drank, nilagay niya 'yung baso sa side table.
And now I realized, it was in front of me all along. Naghahanap ako ng totoo sa buhay ko and it's my family. They've done nothing but take care of me and make me feel loved. Lalo na si Alex. Kahit hindi niya sabihin, alam kong he's worried about me.
"Dapat sinama mo ako. Para may kasama ka kanina." Sabi niya then he held my hand.
"It's fine. Hindi lang ako makapaniwala na magagawa iyon ng mama."
"Okay ka na? I'm so worried about you. Hindi mo kami kinakausap and hindi ka lumalabas ng kwarto these past few days." He said.
"I'm sorry for making you worry. It's just...I felt so numb and all I wanted to do is think and gusto kong mapag-isa. I'm sorry kung pakiramdam niyo, lumalayo ako sa inyo. I didn't mean it that way." Tumango tango lang siya sa sinabi ko. I know he understood my tteatment towards them.
I'm so lucky to have him. A shoulder to cry on, and ears that are ready to listen to me anytime.
"You should rest. You're tired. Sige na." He told me. That's why I laid on the bed and umikot siya sa kabilang side para tabihan ako.
"Thank you. For being there for me." I said habang magkaharap kami.
"Anything for you. Goodnight, Hon." He kissed my lips and locked me in his arms. A place where I always feel safe.
"I love you." He said.
"I love you too."
~~~~~~
~~2 days later~~
It's the last week of April and it's Calli's birthday today. Or should I say, Isabella's birthday. Sa dami nang nangyari, Calli told us na hindi na niya kailangan ng big celebration. How sweet diba? Pero today, we're going to the mall para kumain.
Masakit pa rin ang mga nangyari pero wala eh. Nangyari na. Kailangan na lang tanggapin and magmove forward. Syempre hindi ganu'n kadali but Alex is always there kaya hindi na ganu'n kahirap.
I'm wearing a robe dahil kakatapos ko lang maligo and nandito ako sa walk-in-closet trying to find a good outfit when Alex entered.
"Hon, saan mo gustong pumunta mamaya after kumain sa labas?" Tanong ni Alex while his arms are wrapped around me from behind. Ganyan siya simula noong umiyak ako ng todo. Lagi na akong nilalambing. Dapat daw lagi na akong masaya and huwag na daw akong iiyak dahil kawawa si Aleara.
"Anak mo ang may birthday hindi ako kaya siya dapat ang tanungin mo." Natatawa kong sagot.
He buried his face on my neck kaya natawa nalang ako. "I have to get dressed. Hinihintay tayo ng anak natin." Ayaw kasi akong pakawalan.
"Mamaya nalang tayo umalis." Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Hay nakooo. Masyado yata akong namiss ng asawa ko kahit hindi ako umalis. Haha.
"Hahaha. Sabihin mo 'yan sa anak mo na kanina pa tayo hinihintay."
"Okay lang 'yun. Maiintindihan niya naman."
"Eh. Tumigil ka nga. Magbibihis na ako. Wait for me." Buti naman at kumalas na sa pagkakayakap sa akin. I can hear him laughing hanggang sa pagpasok ko ng banyo.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21