Amara's POV
Today is Monday. Another office day. Actually, nandito na ako sa office and I'm still checking some paperworks na dadalhin sa kabilang department.
"Good morning madam. Here's your daily coffee." Pinatong ni Tarra sa mesa ko yung coffee and i thanked her bago siya lumabas ng office.
After a few minutes ay natapos ko na yung ginagawa ko and I'm here with Tarra sa office para magplano ng birthday party for a very special person.
"Actually ate, may nakuha na po akong catering service. From Corrine's Kitchen po. Eto po yung food package and sobrang accomodating po nila sa mga clients." Tinignan ko yung package and it's a great deal. Biglaan kasi itong naisip kong simpleng birthday treat for Calli. Last week ko lang din naman nalaman na birthday niya bukas. Oh diba? Last minute birthday planning kami. Hahaha.
"Ok good. Uhmmm. Yung pinacontact ko sayo na maggiguest bukas?" I asked her.
"Ay nacontact ko na rin po. Si Ms. Luna Bustamante. May schedule na po tayo sa kanya bukas ng afternoon." I nodded my head.
"So ganito. Magshoshopping kayo for her school supplies tomorrow. And then diretso na kayo sa bahay for the surprise. " I reminded her.
"Ok ate. Mga anong oras po?"
"Siguro 11 30 am pumunta na kayo sa mall. Then kailangan before mag 3 pm makauwi na kayo." Tumango siya sa sinabi ko and there was a minute of silence dahil may chinecheck siya sa tablet niya.
"Ate, pwede magtanong?" I nodded habang nakayuko at inaayos ang mga kailangang ayusin.
"Bakit parang sobrang special po sa inyo si Calli? Alam ko naman po na mabait siyang bata. Pero parang sobrang close niyo po sa kaniya." I looked at her and played with my pen while thinking for an answer.
"I guess it's one of those moments na you just become so attached to someone kahit na hindi kayo matagal magkakilala. I don't know. That's what i feel." I told her.
"Awwww. Sobrang sweet niyo ate. Kaya lang, wala ba kayong makakasama sa kasweetan na yan?" Pinanliitan ko siya ng mata.
"Wala." I answered then i rolled my eyes. Natawa naman siya at tumayo na.
"Sige po, see you later. Hahatid ko lang po ito sa 3rd floor." Tumango ako at lumabas na siya.
Sumandal nalang ako sa upuan and relaxed. Maya-maya ay narinig kong bumukas ang pinto.
"Good afternoon." I recognized his voice immediately.
"Wilson. Uhmm. What are you doing here?" Tanong ko. Wala naman kasing pasabi na darating siya.
"Kailangan ba laging may rason para puntahan kita?" Hindi na ako sumagot. Para naman kasing masyado na akong nagiging rude towards him.
"Bakit pala wala ka sa bahay mo ng 4 days? Kapag pumupunta ako dun, lagi kang wala. Hindi naman nila sinasabi kung nasan ka."
"I took a vacation leave." Sagot ko.
"With Ria?" Bakit ba ang dami niyang tanong?
"Yes. With Ria, Lester and Alex." Narinig ko naman ang mahinang tawa niya.
"Magkaayos na pala kayo ng ex mo." Hindi ko alam kung sarcastic siya o nang aasar.
"May problema ba dun? As far as i'm concerned, buhay ko ito. I can choose kung sino ang mga taong kakaibiganin ko."

BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomansaAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21