Can't leave you

276 5 4
                                        

Amara's POV

"Asawa ko po siya." Nabuga ko yung tubig na ininom ko. Buti nalang walang nakaupo sa harap ko. Nakakasamiddddd.

"Ok ka lang po?" Tanong ni Calli na katabi ko. Nagthumbs up lang ako kasi hindi ako makapagsalita ng maayos. Parang may nastuck sa lalamunan dahil dun sa tubig.

"Biro lang po. Kaibigan lang po ako ni Amara." I got confused. Bakit niya binawi? Pero hindi na muna yun ang iisipin ko. Nauubo pa rin ako dahil dun sa tubig.

~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ingat po!" Calli said bago kami lumabas ni Alex ng bahay. He waved at Calli before she entered the house.

"Thanks for the dinner." Alex said. Nasa gate kami ngayon and gabi na.

"No problem. Uhmmm bakit mo nga pala binawi?" I asked him.

"Binawi ang alin?" He seems confused.

"Yung sagot mo kanina kay manang."

"Ohh. That. Wala. Alam ko naman na ayaw mong tinatanong ka about dun kaya binawi ko nalang yung sagot ko. Don't worry. Tayo pa rin naman eh." Hinampas ko nalang siya ng mahina sa braso dahil sa huli niyang sinabi.

Biglang umambon tapos lumakas yung ulan. Basang basa tuloy kami dito.

"Kailangan ko ng umuwi. Ang lakas na ng ulan." He said loudly.

"Huwag ka ng magpaulan. Pumasok ka na sa kotse mo." Mamaya magkasakit pa siya eh.

"Ikaw din. Bye." Sumakay na siya sa kotse niya and he drove off.

I waved at him habang palayo yung kotse niya. I don't know if i made the best decision na balikan siya, pero masaya ako ngayon. Oo cheesy na kung cheesy. Scroll down nalang kayo. Jokeee.

Alam niyo yung sinasabi nila na sa buhay ng isang tao, mayroong darating na para sa kanila. There will always be one person na kapag dumating, kakalma ang isip at puso mo. There will always be that one person na magpaparealize sayo kung bakit ka iniwan ng iba o kung bakit hindi ka para sa kanila.

Yung mga taong iniwan ka, parang kalsada lang sila, sila lang ang maglilead sayo papunta sa destinasyon mo, pero hindi ka sa kanila hihinto kasi meron kang pupuntahan na mas maganda. Katulad lang ng pagdaan sa kalsada, minsan maliligaw ka o malilito pero at the end, makakarating ka pa rin sa lugar na dapat mo talagang marating at mapuntahan.

And i'm saying this right now dahil hindi ko yun naranasan sa ibang tao. For almost 13 to 14 years na mag-isa ako, i've never felt that way except when i was with Alex. Siya ba talaga? I already met a lot of people pero hindi ko sila maicompare kay Alex. Lagi siyang angat sa iba. Laging meron siyang characteristic na wala sa iba.

Arghhhh. Magulo. Basta ganun yun. Maiintindihan niyo rin yan. Hahahaha. Bukas na ulit tayo magchikahan. Basang basa yung damit ko. K???

Alex's POV

I'm already driving home. Kakagaling ko lang kila Amara. Medyo traffic pero dire diretso naman yung drive, mabagal nga lang. Ang lamig pa kasi basang basa ako tapos naka on pa yung aircon.

Suddenly, my phone rang. Secretary ko pala. I pressed loudspeaker para hands free dahil nagdadrive ako.

"Hello."

"Hello po sir. I just want to remind you po ng schedule niyo for tomorrow. May meeting po kayo with the board of directors, then dinner meeting po with Mr. Carlos."

"Ok. Salamat."

"But may nagpaappointment po ng lunch. Si Ms. Samantha Guillermo po."

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon