Amara's POV
I don't know why but i can feel that today is going to be a great day. It's already 6:30 am and i'm all done. Pagbaba ko ng hagdan ay sobrang maaliwalas dahil nakabukas lahat ng kurtina at naririnig ko sila manang sa kusina.
"Good morning Ate!" Bati ni Vera pagpasok ko sa kusina. Nagpupunas siya ng mga pinggan habang naghuhugas si Lea. Si manang naman ay nagluluto ng agahan. Binati ko rin sila ng good morning.
"O, ang aga mo yata. Hindi ba mga alas siete ka pa umaalis?" Nagtatakang tanong ni Manang sa akin. "Dito na po ako kakain ng breakfast. " Bigla namang ngumiti si Manang at pinagset sila Vera ng table.
Tumulong na ako sa paglalagay ng pagkain sa table bago umupo. Hmmmm. Ang bango ng breakfast sa umaga. May eggs, bacon, hotdog, fried rice at hot chocolate. Namiss ko din na kumain ng breakfast sa bahay. Puro kasi coffee at bread ang kinakain ko sa office eh.
"Yan. Tapos mamaya, dalhin mo yung bag na yun. Nandun yung baon mo. Dalawa yan, ibigay mo kay Tarra yung isa. " Natawa naman ako dahil para akong bata na binibilinan na magbaon sa school.
"Opo. Hahaha. " I just enjoyed breakfast habang nakikipagkuwentuhan sa kanila.
~~~~~~~~~~
Nandito na ako sa office and pagpasok ko ay naabutan kong nakikipagusap si Tarra sa front desk. Tapos ay napalingon siya sa akin.
"Ay Mam! Good morning po. Nandyan na po pala kayo. Nasa office niyo na po yung sample designs and then kailangan na lang po ng approval niyo. " Pagpapaliwanag ni Tarra habang naglalakad kami papunta sa elevator.
"Sige. Eto pala. Pinapabigay ni Manang. " Inabot ko sa kaniya yung pinabaon sa kaniya ni Manang Helen.
"Ay wow. Pakisabi po thank you. Masarap na naman ang tanghalian ko." Sabi niya pagkatapos ay pumasok na kami sa elevator.
"Good morning mam!" The employees greeted me and i did the same.
Pagdating sa office ay binaba ko na ang bag ko at naupo sa swivel chair. Nandito na rin yung mga sample designs ng mga tela.
I just did what i have to do para mabilis kong matapos ang trabaho ko.
~~~~~~~~~~~
Calli's POV
Hayyy. Alas singko na pero walang benta today. Kahit na ginamit ko na ng full force ang aking precious voice, wala talagang bumibili eh. May bumibili nga every 30 minutes naman. Kung may dumadaan man sa tindahan, tumitingin lang daw ng damit. What to do?
"Inaantok ako. Andaming customers." Sabi ni Ate Pretty na kanina pa hikab ng hikab.
"Tiwala lang. Malay mo umattend pala sila ng birthday kaya mamayang gabi pa ang dating. Hahaha. " Tinutupi ko nalang yung mga damit na tinignan kanina ng mga dumaan na customers.
"Hay nako. Tulungan mo na lang ako dito ate. Para hindi ka antukin. " Tinatamad naman siyang tumayo at kinuha yung pangsampay ng damit. Basta yung pang-abot sa damit kapag nasa mataas na lugar.
"Uy Calli! Nandyan yung bff kong fashionista kasama si Mam Amara. " kumunot naman ang noo ko at lumabas ng pwesto para makita at tama nga siya. Papalapit sa pwesto namin sila Mam Amara at ate Tarra. Anong ginagawa nila dito?
"Good afternoon Calli! Hi besh!" Bati ni Ate Tarra sa amin.
"Ay beshhhh. Hindi naman kayo nagpasabi na pupunta ulit kayo dito."
"Si ate Amara kasi sabi pupunta daw kami dito. Hindi ko rin alam. Haha."
Sabi ni ate Tarra."Hi Calli. Uhmmm. Iimbitahan ko kasi sana kayo na magdinner. Kung okay lang. Pathank you ko na sa pagentertain niyo sa amin kahapon. " Sabi ni Mam Amara at nagkatinginan naman kami ni ate Pretty.

BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomansaAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21