Isabella

525 7 3
                                    

Calli's POV

"Calli! I'm so happy you're back!" Salubong ni tita Sam na may kasamang mahigpit na yakap. Kakagaling ko lang sa school and ngayon nalang ako umuwi dito after a week.

"Kamusta ka na?" Tanong niya habang hinahawi ang buhok sa harap ng mukha ko.

"Okay lang po." Sagot ko.

"Sige magbihis ka na then we'll eat lunch okay?" Tumango lang ako at umakyat na ako sa kwarto ko.

~~~~~~~

"Sit down na para makakakain na tayo." Yaya ni tita Sam kaya naghila na ako ng upuan and umupo na ako.

Naglagay na ako ng food sa plate at nasanay na ako sa tahimik ng bahay na ito.

"Calli, i have to ask you something." Tumingin ako kay
tita Sam waiting sa susunod niyang sasabihin.

"Papayag ka ba if i say na we'll move to the US?" Napabitaw ako sa hawak kong baso dahil sa tanong niya.

"Uhhh bakit po?"

"Because that's where i live. And gusto kitang isama."

"Pwede po bang pag-usapan muna? Itatanong ko rin po kay dad and mommy." Sagot ko. Syempre ayaw kong lumayo kila dad.

Bumuntong hininga muna si tita Sam pagkatapos ay ngumiti at humarap sa akin. "Of course. Pero sana, the answer's yes ah."

Ngumiti lang ako sa sobrang awkward dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayaw kong sumama.

~~~~~~

Gabi na and kanina pa ako gumagawa ng homeworks ko. Hindi muna ako bumaba para magmeryenda dahil kailangan kong matapos itong mga schoolworks. Ang dami din nito. Hindi ko nga alam kung paano ko pa nasasagutan eh.

Pero since tapos na ako, bababa na ako sa dining room para magdinner. Inayos ko muna ang suot kong damit then tumingin ako sa full length mirror para makita kung maayos ba ang damit ko. Okay naman na kaya lumabas na ako ng kwarto pero bgo ako makababa ng hagdan, may narinig ako sa balcony na nagsasalita kaya lumapit ako ng dahan dahan. Hindi ako chismosa ah pero parang galit yung boses eh.

"Hawak ko sa leeg si Alex. Even Wilson. Kaya wala silang magagawa." Si tita Sam ba yun? Bakit nabanggit niya si dad and tito Wilson?

"What? Sabihin mo sa kaniya ayusin niya yung trabaho niya--"

*Blaagggggggg*

Napatakip ako sa tenga dahil sa lakas ng tunog. Nasangga ng kasambahay ni tita Sam yung vase kaya pareho kaming nagkatinginan at nanlaki ang mata. Lumakad na siya palayo at iniwan ako dito. Uyyyy anong gagawin ko???

O My Gee. Yumuko ako para sana pulutin yung nabasag na vase pero biglang may humablot sa kamay ko at hinila ako patayo kaya bumaon yung malaking piraso ng basag na vase sa palad ko. Nakacover yung kamay niya sa buong kamao ko kaya lalong bumabaon yung basag na vase kapag humihigpit yung hawak niya .

"Anong ginagawa mo dito ha? Alam mo hindi ka talaga magtanda noh!? Kababalik mo lang, problema ka na naman." Hinihigpitan niya yung hawak sa kamay ko kaya ang sakit.

"Masakit na po! Tama na." Halos pasigaw ko nang sabi dahil tumutulo na yung dugo ko sa kamay. Hinihila ko na palayo yung kamay ko pero ayaw niyang bitawan.

"Alam mo bang that's a very expensive vase? At tsaka bakit ka nakikinig sa usapan ha?!" Napapikit nalang ako dahil ang lakas na ng boses niya, lalo pang sumasakit yung kamay ko dahil parang sinasadya na niya yung paghigpit ng hawak sa kamay ko.

~~~~~~

Ayoko na dito sa bahay na to. Gusto ko nalang umuwi kila dad.

Parang nanghihina yung kamay ko. Hinugasan ko lang at binalutan ng tela para tumigil sa pagdugo. Umalis kanina si tita Sam pagkatapos nung away namin.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon