LQ?

221 7 0
                                    

Amara's POV

It's night time and kakatapos lang namin kumain ng dinner. Doon daw muna si Calli matutulog sa kwarto nila ni manang dahil namiss daw niya. Kanina pa kami dito ni Alex sa bed and nagpapaantok nalang.

"Alex. Ano bang problema?" Mahina kong tanong pagkatapos ay yumakap ako sa kaniya na nakatalikod sa akin.

"Hey." I said pero tinanggal niya yung pagkakayakap ko sa kaniya then he turned off his phone at inilagay sa bed side table.

"Ano ba?" Tanong ko na nanginginig na ang boses. Ano bang ginawa ko? May sinabi ba akong hindi maganda kanina? Galit ba siya o nantitrip lang? Hindi ko maintindihan.

Humiga nalang ako then i closed my eyes habang kumakawala ang mga luha mula sa mga mata ko.

~~~~~~~

I woke up na namamaga ang mata dahil sa pag-iyak ko kagabi. Yayakap sana ako kay Alex pero wala siya dito sa higaan. Nauna siyang bumangon. He never leaves me alone in bed. Anong nangyari?

I just shrugged it off. I don't want to start a bad day. Bumaba nalang ako para magbreakfast but wala siya doon. Even Calli is not here.

"Manang, nasaan po sila Alex?" Tanong ko kay manang na busy na naghuhugas ng pinggan.

"Ay kanina pa umalis. Inihatid na rin sa eskwelahan si Calli. Hindi ba nagpaalam sayo?" Tanong niya.

"Hindi po." Mahina kong sagot habang nakayuko at kinukutkot ang kitchen counter surface.

"Kumain ka na ng agahan." Sabi niya kaya tumango nalang ako at ngumiti. Nagring naman yung phone ko and it was Calli kaya sinagot ko agad.

"Hello mmy."

"Hello? Nasa school ka na?"

"Opo. Sorry hindi po ako nakapagpaalam kasi tulog pa po kayo eh."

I somehow managed to smile.

"That's okay. Ingat ka. Saan ka uuwi mamaya?"

"Kay tita Sam daw po muna. Pero don't worry po, tatawag po ako kung may problema."

"Okay. Sige. Ingat ka. Bye!"

Binaba ko nalang sa table yung phone ko and i started eating alone.

~~~~~~~~

I arrived here at the office and nginitian ko nalang ang mga employees dahil wala ako sa mood na kumausap nang kahit na sino. Dumiretso ako sa opisina ko and sinimulan ko na ang trabaho ko. Walang pansinan ba kamo? Sige.

~~~~~~

It's lunch time and I have to eat syempre. Okay, i'll try to talk to him again. Baka lang, baka pinaprank niya ako diba?

Tinigil ko muna ang ginagawa ko then i went out of my office to go to his. Pagpasok ko, Sam is here sitting sa chair sa harap ng desk niya.

"What are you doing here?" I asked her.

"We're talking about Calli. Hindi kasi kami nagkita kahapon because i was very busy." Sagot niya. I just ignored her and looked at Alex.

"Lunch?"

"Sige, ikaw nalang. I just had coffee." Sagot niya sa akin habang nakatingin sa laptop and not even looking at me.

"Sigurado ka?"

"Yes." Maikli niyang sagot. I glared at Sam then i pushed open the glass door para makalabas na ako. Magpapaorder nalang ako kay Tarra ng lunch. Nakakatamad lumabas.

Dire diretso nalang akong lumakad pabalik sa office ko without smiling or talking to anyone. Monday na Monday, hindi maganda ang simula ang week.

"Tarra. Order lunch. Pasta." Yun lang ang sinabi ko pagkatapos ay pumasok na ako sa office at sumalampak sa swivel chair.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon