Amara's POV
"Huyyyyy. Breakfast naaaa." Nakasubsob lang ako sa unan habang nararamdaman kong hinihila ni Ria yung paa ko.
I just remained quiet. Puyat akoooo. Gusto kong matulog hanggang mamayang gabi!
"Bahala ka dyan. Kagabi pa naman may naririnig ako sa cr. Sige bababa na ako." Nanakot pa.
Narinig ko naman na sumara na yung pinto kaya nagpatuloy lang ako sa pagtulog.
~~~~~~~~~~~~~~
Ria's POV
"Oh, nasan si Amara?" Bungad ni Alex sa akin pagdating ko dito sa restaurant. Nahikab pa ako bago sumagot.
"Ewan ko dun. Ayaw bumangon." Sabi ko sabay inom ng mainit na coffee.
Then i realized kung bakit ganun si Amara. Ohohoho. Lam na. Hindi nakatulog. Hahahaha.
"Kasalanan mo kasi." I told Alex.
"Oh, bakit naging kasalanan ko? Eh kayo ang roommates edi dapat ikaw ang nakakaalam kung bakit ayaw niya pang bumangon." Depensa ni Alex sa sarili niya. Si Lester naman ay ganun parin, walang pakialam sa mundo. Nakakayamot.
"Gusto mong malaman kung bakit ikaw ang may kasalanan?" Tanong ko. Hahahaha.
I took out my phone and showed him kung anong ginawa niya. Hahahaha. His reaction is priceless.
"I said those words?" Tanong niya. Gulat na gulat.
"Yup. Hahahaha. Hindi mo lang alam kung gaano ako tawang tawa sayo dyan." Nilagay ko na sa bulsa ang phone ko habang hindi pa rin umiimik si Alex. Nakatingin siya sa malayo habang umiinom ng kape. Bwahahahaha. Hindi pa dumadating si Amara, naiilang na. Ano pa kaya mamaya? Hahahaha.
~~~~~~~~~~~~~~~~
Amara's POV
Sinong walang tulog kagabi? It's me! Pati sa sahig sinubukan kong humiga, hindi talaga ako makatulogggg.
Tumayo nalang ako at inayos na yung bed. I looked at myself in the mirror. Kalimutan mo na kasi yung sinabi ng Alexander na yun. Wala siya sa sarili okayyy????
"Grabe ka, girl. Hindi ka manlang nag agahan." Sabi ni Ria pagpasok niya sa kwarto. Mga dalawang oras din siyang nawala.
"Hindi nga kasi ako gutom." I told her.
"Ok. Anyways, uuwi na daw si Alex mamayang tanghali." Anddd... why is she telling me this?
"So?" Tanong ko.
"So? Wala lang. Sinasabi ko lang sayo. May kailangan daw siyang asikasuhin sa trabaho eh."
"On a Sunday?"
"Alam mo naman yun. Workaholic. Parang ikaw. Kahit Linggo tinatawag ng opisina." Ria is enjoying her drink habang ako ay nakaupo lang sa couch. Nakakatamad kumilosssss.
I tried to keep myself busy. Or should i say na nagkukunwaring busy. Bakit parang ang boring today? Actually uuwi na kami mamayang gabi kaya hindi na kami mag aactivities.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
It's already 5:30 pm and nagiimpake na ako ng mga gamit ko. 7:00 pm ang flight namin kaya nagpeprepare na kami.

BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21