Reasons

159 8 6
                                    

Amara's POV

Nakahiga lang sa tabi ko si Calli habang nanonood kami ng vlog ni Luna. Si Alex naman, hayaan niyo siya dyan. Nandun lang sa couch and busy sa phone niya. Malapit na rin maglunch and kanina pa kami tahimik dito. Siguro nasesense din ni Calli na may problema kaya hindi siya masyadong nagsasalita.

Kanina ko pa iniisip yung away namin kagabi. Talaga bang pagdududahan niya kami ni Wilson? Talaga lang ha? Nagmamalasakit lang yung tao, kung hindi ako nahawakan agad ni Wilson nung nadulas ako, may anak pa kaya kami ni Alex? Sana kasi inaalam niya muna yung buong pangyayari, hindi yung puro conclusions siya.

We heard knocking from the door kaya tumayo si Alex to check it tapos umayos ng upo si Calli sa tabi ko.

"Kamusta ka na girl? Nag-alala ako sayo nung tumawag si Calli kagabi." Si Ria pala.

"Okay lang." I answered.

"Mommy, labas lang po ako ah." Sabi ni Calli, susundan yata si Alex.

"Sure." Sagot ko tapos bumaba na siya sa hospital bed at lumabas ng kwarto kaya kami nalang ni Ria ang naiwan dito. Umayos ako ng upo para makausap ko rin ng maayos si Ria.

"Ano bang nangyari?" Tanong niya. Nakatulala lang ako habang inaalala ko yung away namin ni Alex kagabi.

"Nag-away kami." Maikli kong sagot.

"Eh ano namang pinag-awayan niyo at umabot sa ganito? Nahospital ka pa."

"Ewan ko sa kaniya. Pinagseselosan niya si Wilson dahil pareho kaming nasa office kagabi because i forgot my laptop tapos naiwan ni Wilson yung wallet niya nung bumisita siya ng umaga." Panimula ko.

"Tapos galit na galit siya. He even asked kung kami daw ba ang laging magkasama nung nasa business trip siya." I continued.

"I confronted him, na bakit siya nagrereklamo sa amin? Nagreklamo at kinumpronta ko rin ba siya kay Sam? Diba hindi ko na sinasabi sa kaniya?" Sabi ko habang nagpipigil ng luha. Bakit ba napakaiyakin ko?

"Kahit na sila lagi ang magkasama ni Sam sa Singapore, did i confronted him about it? Nanahimik nalang ako dahil ayaw ko nang makipag-away sa kaniya. Tapos....tapos ganito, simpleng coincidence lang, sisigawan na niya ako?" I said at kumawala na yung mga luhang pinipigilan ko kanina. Niyakap naman ako ni Ria at hinagod ang likod ko. Hindi kasi ako sanay na sinisigawan ako ni Alex because he's not that type of person.

"Shh. Huwag ka ng umiyak. Bawal nga yan diba? Stress na stress na yung baby niyo dahil sa inyong dalawa. Basta pakinggan niyo lang ang isa't isa. Mag-usap kayo when you're both ready." Advice niya.

Gusto ko man makipag-ayos sa kaniya, hindi ko parin makalimutan yung mga sinabi niya.

~~~~~~

Alex's POV

"Alam ko pong may problema kayo ni mommy." Calli said habang naglalakad kami sa hallways ng hospital.

"Huwag mo nang isipin yun. Maayos din namin yun." I told her.

"Pwede niyo naman po akong sabihan ng problema niyo." She insisted. Umupo muna kami sa mga chairs dito sa hallway.

"Hindi kasi kami magkaintindihan eh." I said to her habang nakayuko ako.

"Dad, kailangan niyo lang pong mag-usap. Hindi ko po alam kung anong pinag-awayan niyo pero sigurado pong maayos na communication lang sa isa't isa ang makakaayos niyan." Napangiti nalang ako sa kaniya then i patted her head.

"Thanks for that advice. Pero kahit naman gusto kong makipag-ayos sa mommy mo, ayaw naman niya akong kausapin eh." Tumawa siya sa sinabi ko. Kamukha ko rin pala itong si Calli kapag tumatawa. Hahahaha.


Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon