Feeling loved

272 8 8
                                    

Amara's POV

I tied my hair up and started cooking breakfast.

I'm already done with the rice. Hinihintay ko nalang maluto yung ulam. Nakatingin lang ako sa kawalan while waiting.

Ang saya ko ngayon. Isipin mo, yung taong pinagtatabuyan at iniiwasan ko noon, kasama ko ngayon. And we're in really good terms now. Kami na nga eh. Hahahahaha. I just hope na huwag na ulit masira yun like before. And i think he will be more careful now. Sana nga.

I turned off the stove and i forgot my phone kaya bumalik ako sa kwarto para kunin yung phone ko. Then paglabas ko, biglang tumunog yung doorbell. I opened the door to check kung sino.


"Samantha." I mentioned the name of the person standing in front of me.

"Amara! What a surprise. Nandito ka din pala." She greeted me with a huge smile.

"Ah oo. Come inside." Pinapasok ko muna. Ang rude naman kung hahayaan ko lang siya sa labas habang nag uusap kami.

"Oh. Thank you." I closed the door then sinundan ko siya ng tingin. Ewan ko kung bakit parang ang weird ng nasesense ko kay Sam. I mean parang nag iba siya simula nung umuwi siya.

"Kamusta ka? What are you doing here?" She asked. I motioned for her to sit down kasi parang nahihiya pang umupo sa sofa.

"Ok naman. Sinamahan ko kasi si Alex. May sakit kasi. Ikaw?" Medyo naconcious tuloy ako kasi hindi pa ako nakakapag ayos ng sarili. Ang gulo pa ng buhok ko.

"Oo nga pala, may dala akong fruits para kay Alex. I didn't know kasi na nandito ka. Hindi kasi siya nakarating sa appointment namin yesterday kasi sabi ng secretary niya, may sakit nga daw siya. So i decided to pay him a visit." She explained. Inabot naman niya sa akin yung dala niyang foods and nilagay ko sa kitchen counter.

"Tulog pa yata siya eh. Kumain ka na ba?"

"Yup. I'm good. Thank you." She sat quietly and pinagmamasdan yung paligid niya.

"I'll just check on Alex. I'll be right back." Pagpasok ko sa room, gising na si Alex and inaayos niya yung pinaghigaan niya.

"Mukhang ok ka na ah." Lumingon naman siya sa akin sabay ngiti. Bigla siyang lumapit sa akin then he hugged me very tightly.

"Thank you." He said.

"For what?" Grabe ah. Kung makayakap akala mo ang tagal namin na hindi nagkita. And of course, i hugged him back. Kilig naman kayo? Joke. Hahahaha.

"For being my doctor, nurse, chef, lahat lahat." Sus. Magaling na kasi kaya nambobola na ulit.

"Wala yun. May bisita ka nga pala. Nasa living room."

"Sino?" He asked while looking at me.

"Makatitig ka ah. Gandang ganda ka sa akin. Kidding. Si Samantha. Hindi ka raw kasi nakarating kahapon sa appointment niyo."

"Okay. Sabay na tayong pumasok sa office. Maaga pa naman eh." May energy na siya ngayon. I nodded at what he said.

"May breakfast na dun. Tsaka dinalhan ka rin ni Sam ng fruits." Lumabas na siya ng kwarto and sumunod na rin ako. I have to get ready para makapasok na ako sa trabaho.

"Good morning Sam."

"Good morning. How are you?"

"I'm better. You didn't have to come here."

"I worried kasi sabi ng secretary mo may sakit ka daw. So i thought of visiting you."

Magpeprepare na ako for work. Iniwanan ko muna sila dun na magkausap.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon