Amara's POV
It's Monday and I'm already at work. I'm just signing some papers and magchecheck ako ng mga portfolio ng mga investors.
"Tarra, coffee please. Thank you." Sabi ko sa kanya habang nandito siya sa office ko.
"Sige po ate. Excuse me." Lumabas na siya at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Pero nagtaka ako dahil bigla siyang pumasok ulit.
"Eh ate, hindi ko na po kailangan bumili ng coffee eh." Lalo akong naguluhan. Nagpapabili nga ako ng coffee eh. Anong sinasabi niya?
Bumalik siya sa pinto at binuksan ito. Then someone came in holding 2 cups of coffee and a paper bag.
"Alex? What are you doing here?" Yup, it's Alexander.
"Bringing you coffee and breakfast." Nakangiti niyang sabi. I was about to speak pero nagsalita ulit siya.
"Just kidding. Diba ngayon ko kukunin yung shoes ni Destiny?" Oh yeah. I remember.
"Ayun oh. Nakalimutan ko ngayon mo pala kukunin." Tinuro ko yung paper bag kung nasan yung flat shoes.
"Mamaya na. Here." Binaba niya sa table ko yung dalawang coffee.
"Ahem. Excuse me po. Labas lang ako." Nandyan pa pala si Tarra.
"Bakit dalawa?" I asked referring to the coffee. "The other one is for me. Para may kasabay kang magkape. Tutal pumunta naman na ako dito, i might as well stay a little longer." Tumango nalang ako and motioned for him to sit.
"Still busy as ever." Sabi niya habang nakatingin sa akin na pumipirma ng mga papeles.
"Some things never change, Alex." I told him habang umiinom siya ng kape.
"You know, we never got to catch up simula nung umuwi ako dito sa Philippines. How are things going?" Medyo nag-isip muna ako bago sumagot.
"Things are going great. And it's great because may pinatutunguhan yung pagiging busy ko araw - araw. How about you?" Ang ganda pala kapag maayos na pag-uusap lang. Yung tipong nagkakamustahan lang and walang bangayan which often happened before.
"Okay lang naman. Work and house lang araw - araw." He answered.
"Work and house? Don't you have a girlfriend or a wife?" Muntik niya na mabuga yung iniinom niyang kape dahil sa tinanong ko.
"No. I have no girlfriend or wife. It's just me. Ikaw? Kayo ni Wilson?" Natawa naman ako sa tanong niya.
"Wilson? Noooo. Of course not. Never." I answered.
"I heard him nung nakikipagusap kayo sa mama mo at sa mga kaibigan niya. That he's going to court you." I looked at him trying to suppress my laugh.
"Naniwala ka naman? Ganun lang magsalita yun. Para namang hindi mo kilala si Wilson." Sagot ko bago uminom ng coffee. He still knows my favorite. Iced coffee.
"Anyway, let's not talk about him. Eto oh. Open it." Inabot niya yung paper bag and i opened it. I was so surprised nang makita ko yung laman. He remembered na favorite ko ito.
"Ensaymada! But wait." I checked the paper bag.
"It's still the same bakeshop. Hahanapin mo pa yung name eh. Dun pa rin yan. Alam ko naman na hindi mo kakainin kapag hindi dun binili." I just smiled. Nakakatuwa kasi alam na alam pa rin niya yun. Meron kasi akong favorite brand ng ensaymada na yun lang ang kinakain ko. Kung hindi yun ang ibibigay sa akin, hindi ko kinakain.
"Thank youuuuu! I love you!" Nanlaki ang mata ko at nagkatinginan kami na parehong nagulat sa sinabi ko. My goodness. What did i just say?
"Umm. I-i mean I love IT. I love it. Haha." Eh paano naman kasi, nung mag-asawa pa kami, he would always bring ensaymada tapos i would say Thank You at kasunod nun ay I LOVE YOU. Amara please naman, watch your mouth!
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21