Calli's POV
"Ang driver na ang magdadala ng mga gamit niyo sa sasakyan." Sa totoo lang, nahihiya talaga ako. Hindi naman obligasyon ni mam Amara na tulungan kami eh.
"Eh mam, sigurado po ba talaga kayo? Promise mam, ngayon lang talaga ako nahiya ng ganito. Hahahaha. " Dinaan ko nalang sa tawa.
"Paulit ulit ka naman ng tanong. And just like what i've said, wala yun. I'm willing to help. Dahil natulungan mo rin naman ako." Hay salamat dun sa naitulong ko kung ano man yun. Wala nga ako maalala na tinulong ko sa kanya eh. Maliban sa tinutulungan namin siyang kumain, wala na akong ibang maisip na naitulong ko. Hahahahahaha.
"Now na po ba mam?" Tanong ko kasi sinasakay na yung mga bag namin sa sasakyan ni mam.
"Oo sana. Para din makapagpahinga ang lola mo." Tumango nalang ako at tumulong sa pagbitbit ng mga bag.
Tinulungan na din kami ni ate Pretty sa pagdadala ng bag. Pinasakay ko na rin si Lola sa backseat. "Sige na Calli ganda. Ako na bahala dun sa pwesto. Magpahinga muna kayo ni Lola. Babushhhh. See you tomorrow nalangggg."
"Sige ate. Ingatttt." Sinara ko na ang pinto at sumakay na si mam sa passenger seat.
"Sa bahay na po tayo." Narinig kong sabi ni mam tsaka umandar ang sasakyan.
~~~~~~~~~~~
Medyo mabilis lang naman ang biyahe. Malapit na daw kami eh. Ang sosyal sa lugar na ito. Naglalakihan ang mga bahay sa paligid.
"We're here. Manong pakibaba naman po yung mga gamit." Pagbaba ng sasakyan ay napatingin kami sa bahay sa harap namin. As in OMYGEE.
Nakatulala at nakanganga lang ako sa pagkamangha sa bahay ni mam. Grabe. Prinsesa ba siya? Parang palasyo ang bahay eh. Hahahaha.
"Halika na po. Pasok kayo." Pagpasok sa gate, sinalubong kami ng isang babae na parang kasingtanda lang ni ate Pretty. "Good afternoon mam. Ay may kasama po pala kayo."
"Yes Vera. Uhmm. Vera, this is Manang Carina and Calli. This is Vera, kasama ko po dito sa bahay. Vera tulungan mo silang dalhin ang mga gamit sa kwarto." Nginitian naman ako ni ate Vera at tinulungan niya kami sa mga gamit namin.
Amara's POV
Nandito na sila Calli at Manang Carina sa bahay. Maya-maya pa ay lumapit sa akin si manang Carina.
"Mam, salamat po talaga ah. Hulog po talaga kayo ng langit." Kanina pa sila nagtethank you.
"Amara nalang po. Tsaka wala po yun. Napakalaking tulong din naman po ng apo niyo sa akin eh."
"Sige po. Maghahanda po ako ng meryenda." Yeheyyy. Matitikman ko na naman ang luto ni Manang Carina.
"Nandyan po si Vera. Siya po magtuturo sa inyo kung nasan yung mga gamit at pagkain sa kusina. " Ngumiti naman siya tsaka lumakad palayo.
Umakyat muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pagbaba ko sa sala, i saw Calli looking around.
"Ay nandyan po pala kayo. Mam, ang laki po talaga ng bahay niyo. Kayo lang po ba nakatira dito?"
"Hindi naman. Nandyan naman si Vera at Lea. Kakaalis lang ni manang Helen eh. " Tumango naman siya.
"Pwede po ba umupo dito?" Natawa naman ako sa tanong niya. Pati ba naman sa pag-upo sa sofa, ipagpapaalam niya?
"Of course. " Umupo rin ako sa kaharap na sofa.
Nagkwentuhan lang kami ni Calli and as usual, laging may tawanan.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21