Araw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana?
Started: 1-19-21
Finished: 9-23-21
"La!!!" Excited kong sigaw pagkakita ko kay lola sa kusina.
"Salamat naman at nakauwi ka na." Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Bumibisita naman siya sa hospital pero iba kapag nandito kami sa bahay.
"Namiss ko 'tong kitchen counter!!!" Sabi ko habang nakayakap doon. Hahahaha. Bakit ba? Dito ako laging nakatambay noon eh kaya namiss ko talaga.
"Hahaha. Do you want to check your new room first?" Tanong ni mommy. Lumingon muna ako kay lola at humingi ng approval.
"Sige na. Para din makapagpahinga ka muna bago kumain ng meryenda." Sabi ni lola kaya niyakap ko ulit siya bago ako sumama kay mommy paakyat sa second floor.
Pag-akyat, nasa tapat ng isang pintuan si dad and may hawak na susi.
"Pinaayos na namin ito nung nasa hospital ka pa. And we hope na magustuhan mo." Sabi ni mommy. I'm excited!!!
Binuksan ni dad yung door and literal akong napanganga. Sa sobrang excited ko, nagtatatalon ako pagpasok namin.
"Kyaaahhhh!!!! Room ko po ito???" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Yes. Welcome home Isabella." Sambit ni mommy kaya yumakap ako sa kanila ni dad. Ako ba talaga si Isabella? Hindi nagsisink in sa akin eh. Haha.
"Thank you po." Kumalas ako sa pagkakayakap and tumalon ako sa higaan. Sobrang lambot!!!
"Hala!!! Ang cute po nito!" I said pagkakita ko dun sa parang mini memory wall. Kyaahhh. Super cute!!!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Credits to google for the photos, and to ate _kettlewrites for blythe and chin's edit. No copyright infringement is intended. Credits to their rightful owners.)
Nakakabit siya sa wall. Mga polaroid style pictures and yung full name ko sa gilid na pagkahaba haba. Hahahaha. Pero wow!!!
"Nagustuhan mo ba? Erissa did all of that. She said you would like it. Katulad nung memory wall mo sa kwarto niyo ni manang." Sabi ni mommy habang tinitignan din yung wall.
"Super nagustuhan ko po. Ang gandaaa. Pakisabi po kay ate, thank you."
"Let's go over here. Marami ka pang lilibutin dito. Haha." Sabi ni dad kaya sumunod ako sa kaniya habang nasa likuran ko si mommy.
"Parang sobra sobra naman na po ito." Yun nalang ang nasabi ko pagpasok namin sa walk in closet. Parang ang dami masyado. Hindi ko naman yata magagamit ito lahat. Mukha siyang mini department store. Haha.
"Kulang pa yan sa lahat ng mga panahon na hindi kita naipagshopping ng damit." Pabirong sabi ni mommy. Naooverwhelm ako masyado sa sobrang daming damit at sapatos. Pati mga accessories.