Calli's POV
So hi guys welcome to my channel. Jokeeee. Kakapanood ko lang kasi ng vlog. Hahahaha. Kilala niyo ba si Luna Bustamante? Siya yung pinapanood kong vlogger.
Nagcomment ako sa vlog niya ng
"Theorine is ❤❤❤❤. Love your vlogs po Miss Luna. "
Ang cute nga nilang family eh. Though hindi na sa isang bahay nakatira yung parents niya, close pa rin sila as a family. Pinanood ko yung first episode ng reminiscence series nila. Nakakamiss tuloy magkananay at tatay though hindi ko naman naranasan yun pero parang ang saya lang. Pero masayang masaya na ako kasama ang Lola ko noh. Lab na lab ko yan.
Gabi na rin. Walang masyadong customers kaya kanina pa ako nagcecellphone. Tumayo muna ako sa halos isang oras kong pagkakaupo at tumalon. Wala lang, para maenergize lang ako. Alas sais na rin kasi. Mamayang alas-otso magsasara na ako ng pwesto. Kasama ko ngayon si ate Pretty. Yan talaga pangalan niya. Siya yung talagang nagbabantay dito sa pwesto namin eh nagbakasyon kasi siya noong nakaraan kaya ako lang nagbabantay dito. Kasi kahit naman kaya kong magbenta mag-isa, mas okay na daw na may kasama ako sabi ni Lola. Kamag-anak namin yan si ate Ganda at tinutulungan ko na rin siya dahil wala din naman akong ginagawa ngayon dahil bakasyon. Nagdedeliver rin ako ng mga damit kung nabasa niyo naman yung mga previous chapters. Hahahaha.
Nagutom ako kaya kinuha ko ang wallet ko at akmang lalabas na ng marinig ko ang boses ni Ate Ganda.
"Uy, uy, san ka pupunta? " tanong niya habang nagaayos ng mga paninda namin.
"Kakanta po ako sa kalsada. Gusto mo pong sumama para may second voice? Jokeeee. Bibili lang po ako ng fudams. May papabili ka po ba?" Nangiwi naman siya sa mga sinabi ko.
"Libre mo ako nung siomai na paborito ko. Alam mo na yun. Tenk yuuuuuu" Sinaluduhan ko siya bago ako naglakad palabas.
Madilim na rin at bukas na lahat ng ilaw sa kalsada.
"Ayyyyyyyy! Jusko pooooo. "
Wilson's POV
Hindi talaga madaan sa mahinahon na pakiusap si Amara. Bakit ba napakaarte niya? Bahala siya, wala akong balak na tigilan siyang suyuin. At regarding dun sa sinasabi niyang babaeng kasama ko dati, yung babae naman ang lumapit sa akin eh. Kasalanan ko bang gwapo ako at lapitin ng mga babae? Tsk tsk tsk. Manghihinayang siya kapag napagod ako sa kakasuyo sa kanya na hindi naman mangyayari dahil determined akong mapasaakin siya.
Sa kalagitnaan ng malalim na pag-iisip ko ay bigla nalang nag ring ang telepono ko kaya inabot ko ito kaya lang ay nahulog sa sahig.
"Tssss. Pambihira naman oh. " Yumuko ako at pagtingin ko ulit sa daanan ay may babaeng tumatawid. Buti ay nakapagpreno agad ako.
"Ayyyyyyy! Jusko poooooo!!" Gulat na gulat siya at nakahawak pa sa dibdib niya.
"Ano ba yan?! Tawid ka ng tawid, hindi ka tumitingin kung may sasakyan!"
"Akala ko po kasi hihinto kayo. Tsaka pedestrian po ito. Pasensya na ho noh? PASENSYA na po talaga" I don't know why pero she reminded me of Amara's katarayan.
"Sige po daan na po kayo. Nakakahiya eh. " Sumakay na ako sa sasakyan at pinaandar ito ng mabilis.
Calli's POV
Loko yun ah. Akala niya porket mukha siyang mayaman eh uurungan ko siya. Sa pedestrian ako tumatawid tapos siya itong may ganang magalit? Baliw ba siya?
Hay. Masamang hangin lang yun na dumaan. Bumili ka na ng pagkain Callissa dahil gutom na gutom na si ako. Huwag na kayong magtaka kung ganyan ako magsalita, talagang mahilig lang akong makipag-usap sa sarili ko hahahahaha.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21