Ria's Resbak

171 10 5
                                    

Calli's POV

Hapon na and kakauwi lang ni tita Sam kanina. Parang badtrip nga eh. Kaya hindi ko na muna kinausap. Ang boring naman dito sa bahay.

Lumabas ako ng kwarto tapos napahinto ako sa tapat ng kwarto ni tita Sam kasi naririnig ko parang sumisigaw siya na hindi ko maintindihan.

"I don't care! Madali ko lang siyang makukuha. Kung hindi lang dumating yung babaeng yun eh."

"Calli." Halos mapatalon ako sa gulat dahil nasa likuran ko pala yung kasambahay ni tita Sam.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Nakahanda na yung hapunan. Halika na." Sabi niya kaya sumunod nalang ako.

Sino kaya yung tinutukoy ni tita Sam? Parang inis na inis siya.

~~~~

Ang boring talaga. Mag-isa lang akong kumain ng dinner. Niyayaya kong samahan ako ng mga kasama namin dito sa bahay pero ayaw nila. Mapapagalitan daw sila ni tita Sam.

Nandito ako sa kwarto at nakatitig lang sa chandelier na nakasabit sa taas ko mismo. Hayyy. Ang laki nga ng bahay, wala naman akong nakakakwentuhan. Nakakamiss tuloy yung mga late night chit chats namin ni mommy.

Hmmm. May naisip ako. Hahahaha.

I dialed mommy's phone number para makapag facetime kami. After a few rings, sinagot na niya.

"Calli!"

"Hello po!!!" Tumayo muna ako at pumunta sa balcony.

"How are you?"

"Okay naman po. Kayo po?"

"We're fine. Hahahaha. Anong ginagawa mo dyan?"
Tanong niya. Nasa kwarto sila and parang nanonood ng TV.

"Wala po. Nagpapaantok lang. " Sagot ko.

"Ahhh. We're watching a movie. Sana nandito ka."

"Hehehe. Soon po. Pag dyan po ulit ako natulog." I said. Narinig ko naman na bumukas yung pinto ng kwarto ko kaya napalingon ako dun at si tita Sam pala.

"Can i talk to you?" Mahina niyang tanong dahil nakita niyang may kausap ako. Tumango lang ako at humarap ulit sa phone.

"Sige po mommy, dad. Goodnight!" Tapos nagflying kiss ako and they did the same.

"Ano po yun?" Tanong ko pagkababa ko ng phone ko. Umupo naman siya sa side ng bed.

"Alam mo, kung gusto mo nang kakwentuhan, you can always knock on my door." Panimula niya. Hindi ko nagegets.

"Kasi...parang mas close ka pa rin sa kanila kesa sa akin. Gusto ko sana na mas makilala ka. Kaya if you need someone to talk to, punta ka lang sa akin." Sabi niya. Ahhh okay.

"Sige po. Nahihiya lang po ako kasi parang ang busy niyo po." Tumawa naman siya.

"No. I can always make time for you. Pero for now, go to sleep na kasi may pasok ka pa tomorrow. Goodnight." Sabi niya tapos kiniss niya ako sa noo bago lumabas ng kwarto ko.

Siguro hindi ako mahihirapan mag adjust kung ganyan naman siya kabait. Hahahaha. Hindi lang talaga ako sanay sa kaniya. Though mabait naman talaga siya dahil siya pa nga yung nagligtas sa akin dun sa mga kidnappers diba? Ewan ko lang, naiilang ako eh.

~~~~

~~The Next Day~~

*yawnnnn* Hayyy ang sarap ng tulog ko. Hahaha. Tumayo na ako para makapagprepare for school. Nagshower na ako and everything tapos sinuot ko na rin yung uniform ko and I'm done. Haha. Kinuha ko na yung bag ko at bumaba ako sa kitchen. Pagdating ko dun, magkasama na naman si tita Sam and tito Wilson. Sila ba? Hahahaha joke.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon