Focus

192 8 0
                                    

Calli's POV

Ang sarap ng tulog ko. Nakaaircon kasi kami. Hahaha. Shala. Anyway, nililigpit ko lang ang pinaghigaan ko. May sarili din na cr ang kwarto na ito kaya nagtoothbrush na ako bago lumabas.

Habang naglalakad ako papunta sa kusina ay tinatali ko ang buhok ko. Woke up like this. Jokeee. Medyo namaos ako kasi kumain ako ng ice cream kagabi. Remember?

"Good morning La, Ate Lea. Nasan po si ate Vera?" Tanong ko. "Nasa garden, naglalaba. Pwede patulong?" Inabot niya sa akin yung isang mangkok ng fried rice na niluto ni Lola at nilagay ko naman ito sa mesa.

Pumunta ako sa sala at bumungad sa akin ang isang bisita. Siya yung nandun sa office nung naglunch kami ni mam Amara.

"Good morning po." Bati ko. "Good morning." Bati niya na may kasamang ngiti. Ayieeeee. Umagang umaga, nandito na agad manliligaw ni mam.

Maya maya pa ay naririnig ko na bumababa si mam sa hagdan. Pero pagkakita niya kay sir gwapo, bigla siyang napahinto sa paglakad. Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang biglang nagalit yung mata ni mam pagkakita niya kay sir.

Pumunta na ako sa kusina dahil ayoko naman makichismis doon. Tumulong na lang ako sa pag-aayos ng agahan.

Amara's POV

Nandito siya. Ano bang ginagawa niya dito? Bakit ba lagi niya akong pinupuntahan?

"I'm not being rude or anything. But why are you here?" Diretso kong tanong.

"I just want to talk." He replied with a serious face. "Wala naman tayong dapat pag-usapan." I was about to walk away pero hinarangan niya ang dadaanan ko.

"Okay naman tayo nung isang araw when i brought you here." I just rolled my eyes in annoyance. "Tulog ako nun. There's a big difference." I answered.

"All i'm asking for is a small talk. 5 minutes." May kakulitan din itong lalaking ito eh. Sinabi nang ayaw ko siyang makausap.

"NO. I'm sorry, goodbye." I said and quickly walked away. Lumakad ako ng mabilis papunta sa kusina at sinara ang pinto. Eh sa ayaw ko talagang makipag-usap sa kanya eh.

"Calli, pwedeng pakisilip kung umalis na siya?" I asked Calli. Ayaw ko kasi talagang makita ang mukha niya sa ngayon.

"Sure mam!" She exclaimed.

Calli's POV

So ayun, napag-utusan ako ni madam. Hahaha. Mukhang tinatakbuhan niya yung lalaki dun sa labas.

Sumilip ako sa sala at nakitang binababa ni sir yung dala niyang flowers. Awww. So sweet. Kaya lang mam, why o why?

Lumapit na ako sa kaniya na palabas na ng pinto.

"Pasensya na po sir ah. Try niyo po sa ibang araw. Baka sagutin kayo. Biro lang po. Sige po ingat kayo." Natawa  naman si sir sa sinabi ko at akmang lalabas na ng pinto nung lumingon ulit siya sa akin.

"Anong pangalan mo?" Medyo naconfuse ako ng konti. Baka gawin niyo pa akong london bridge sa inyong dalawa sir ah.

"Callissa po. Calli nalang." Tumango naman siya sa akin. "Calli." Inulit niya ng mahina yung pangalan ko.

"Sige Calli pakisabi nalang kay Amara, umalis na ako. "

"Sige po sir." Sinundan ko siya para pagsarahan ng gate. Ouchh, parang nabasted na naman siya for the second timeeee.

Pagpasok ko sa loob ay lumabas naman ng kusina si mam.

"Umalis na?" Tanong niya. "Opo. Nakalabas na po ng gate."

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon