Amara's POV
It's been two days and wala naman na akong natatanggap na notes. And that's a good thing. I'm here sa office ni Alex kasi medyo nahilo ako kanina kaya sabi niya dito na daw muna ako para mabantayan niya ako.
I'm just checking his fridge. Hahahaha. Nagugutom kasi ako eh.
"Here, pinadeliver ko kanina." Inabot niya sa akin yung paper bag while doing his work. Napasimangot naman ako. Ayoko nang vegetables eh. Hindi maganda ang lasa para sa akin. Eh vegetable salad pa ang inorder. Hmmppp.
"Ayoko niyan." I said tapos binalik ko sa table niya. Umupo ako sa chair sa harap ng desk niya and pinaglaruan lang yung mga pens sa lalagyanan.
"You have to eat this. Hindi mo gusto pero kailangan ni baby." He said. Ang galing.
"Ihhh. Ayoko ngaaaa. Order ka ng iba." I said. Magkasalubong na yung kilay ko habang nakatingin sa kaniya. Siya naman, tatawa tawa lang.
"Ok. But you'll have to wait for atleast 30 minutes. Gutom ka na diba?" I just rolled my eyes on him. Nakakapanggigil.
"Fine! Akin na." Ngumiti lang siya at inabot ulit sa akin yung paper bag. Kinuha ko yung container na may vegetable salad.
"*ackkkk* Bakit mayonnaise???" Nasusuka agad ako nung naamoy ko yung mayo.
"Yan yung kasama eh." Katwiran niya.
"Tanggalin mo." Tinulak ko papunta sa kaniya yung bowl ng vegetable salad. Bakit kasi dinrizzle nila sa taas? Pwede naman na dip yun diba? Ackkk. Basta nasusuka ako sa mayo. Sana ketchup nalang nilagay nila.
Napailing nalang si Alex at itinabi yung laptop niya sa side ng table. Kinuha niya yung bowl, spoon and fork at tinanggal yung mayonnaise sa ibabaw. Hindi na ako tumingin kasi nasusuka talaga ako.
"Here." Binalik niya sa akin and medyo naaamoy ko pa rin yung mayo pero okay na rin.
I took a bite and halos masuka na talaga ako dito sa table. Pumikit pa ako para lang malunok yung gulay na yun. Alex immediately gave me a bottle of water and ininom ko agad. Hayyyy mahilig naman ako sa veggies pero ayaw ko yung lasa nila ngayonnnnn.
"See? Kaya mo naman kainin eh." He told me. Then I gave him 'the glare'.
Parang bumabara lang yung mga gulay sa lalamunan koooo. Nasstuck yung lasa. Nag-iiba na rin yung mukha ni Alex kasi parang nahahawa na sa akin. Nasusuka na din.
"Kailangan ko bang ubusin?" I asked.
"You don't have to. Pero it's better kung uubusin mo. Remember, kailangan mo ng healthy foods." Sabi niya. Okay, five bites then i'm done with this salad.
After eating, uminom agad ako ng orange juice na nasa fridge din ni Alex.
"Please, huwag ka nang umorder ng vegetable salad next time. Hindi ko talaga kaya yung *ackk* yung lasa." I said.
"Sige, ako nalang magluluto ng veggies sa bahay." He said. Hayyy. I don't think that that's a good idea.
~~~~~~
Alex's POV
I was so busy with my work then napansin kong tulog na si Amara sa couch. Ganyan yan. Kakain tapos matutulog. Tumayo muna ako sa kinauupuan ko mula pa kanina and inayos ko yung higa niya sa couch. Kinumutan ko rin dahil malamig dito sa office ko and nakadress pa siya.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomansAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21
