Calli's POV
Wahhhhhh. It's my first day of school. I'm super excited! Kagabi ko pa niready yung mga gamit ko tsaka yung uniform na susuotin. Napagkasunduan na rin namin ni ate Pretty na sa weekends nalang ako makakatulong sa kanya dun. Pumayag siya kasi wala naman siyang magagawa. Hahahaha.
Suot ko na yung uniform ko and knee high socks tsaka black shoes. Binili namin nung Friday ni ate Tarra.
"Good morning everyone!" Sigaw ko paglabas ng kwarto.
"Wow! Ang ganda ng estudyante natin ah!" Sabi ni ate Lea.
"Thank you po." Sabay curtsy. Hahaha. Ang ganda ng uniform eh. Sinuot ko din yung isa sa mga hairclip na regalo ni sir Alex tsaka yung isang pair ng gold earrings.
Pagdating ko sa dining room, nakaupo na dun si mam Amara. Tumingin siya sa akin tapos ngumiti nung nakita yung suot ko.
"Ikot ka nga." Sabi niya kaya umikot ako with style. Hahahaha.
"Wow! Bagay sayo yung uniform."
"Yieeee. Excited na po ako. Hahahaha." Nagtawanan naman sila dahil sa sobrang hyper ko.
Habang nagbebreakfast, sabi ni mam Amara, sumabay na daw ako sa kaniya. And lagi na daw kami sabay pag alis sa bahay para hindi na daw ako mamasahe.
"Kukunin ko lang po yung bag ko." Pumunta ako sa kwarto at kinuha yung mga dadalhin ko. And syempre, check muna ng self sa mirror before heading out.
Hinintay ko muna si mam Amara sa sala kasi umakyat siya ulit sa kwarto niya. May kukunin lang daw. Sumakay na ako sa van at dun nalang hinintay si mam Amara.
"Sige manong. Let's go!"
~~~~~~~~~~~~~~
Nakalabas na kami ng village at nakatingin lang ako sa bintana ngayon. Ano kaya itsura ng room tsaka nung library? Hehehehehe.
"Ito yung kinuha kong necklace sa kwarto. Naisip ko kasi bagay sa suot mo." Pinakita niya sa akin yung necklace galing sa bag niya. Inabot niya sakin tapos tinitigan ko. Hahahaha.
"Akin na. Isusuot ko sayo." Binalik ko sa kanya tsaka ako tumalikod para maisuot niya sakin yung necklace.
"Yan. Better. Sayo na yan." Lumaki naman ang mata ko sa gulat. Akin na ito? Eh parang sobrang mahal nito ah.
"Sure po kayo?"
"Yes. Wear that everyday or kung kailan mo gusto. I have jewelries kasi na hindi ko na madalas sinusuot. Sayang kung walang gagamit."
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Una akong hinatid sa university. Wow. Ang ganda!!! Can't wait!
"Lunch tayo later to celebrate your first day of school. Hintayin mo nalang ako." Sabi ni mam Amara bago ako makababa ng sasakyan.
"Sige po. Ingat!"
"Ingat din! Enjoy and good luck!"
Relax. Chill. Today is going to be great!
~~~~~~~~~~~~~~~~
Kanina ko pa hinahanap yung room. Medyo nakakalito kasi ang daming room dito tsaka buildings. May elevator pa sa bawat building. Ang shala ditoooo! Medyo nahihiya lang ako magtanong kasi mukhang busy din sila.

BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21