Model

209 8 7
                                    

Ria's POV

"Nagkabalikan kayo ni Alex????" I screamed after kong marinig yung sinabi niya kay Calli. Agad akong tumakbo palabas ng hotel room. Alam niyo naman, chismosa ng taon. Joke. Syempre gusto ko rin malaman kung paano nangyari. Pero diba chismosa din tawag dun? Ah basta.

Pagkatok ko, binuksan na agad ni Mareng Amara yung pinto. "Bakla ka!!! Magkwento ka na. Daliii." Pumasok na ako sa loob tapos lalabas yata sila Calli at Tarra.

"Good morning po. Kakain lang po kami ng breakfast sa baba." Sabi ni Calli.

"Sige. Enjoy lang kayo dun ah." Pagkalabas nila, sinimulan na namin ang kwentuhan.

~~~~~~~~~~~

"So ano nga? Kayo na ulit?" Tanong ko after niya magkwento.

"Oo nga. Paulit ulit?" Actually nakahawak na siya sa braso niya kasi kanina ko pa hinihila sa sobrang kilig.

"Kyahhhhhh. Ok. Kalma self. Paano ka niya napa oo?" Knowing Amara, alam niyo naman matigas pa sa bato ang ulo niyan. Kaya hindi yan papatinag that's why curious ako paano napa oo ni Pareng Alex. Hahahaha.

"Nakita ko naman na nag eeffort siya. Tsaka bigyan ko daw siya ng second chance. Eh sino ba naman ako para hindi siya bigyan ng chance diba? And hindi ko pa rin naman nakakalimutan yung ginawa nya dati. Kaya nga mas nag iingat ako ngayon." That's right. Segurista dapat.

"Osya, magbreakfast na rin tayo para masilayan mo na yung 'asawa' mo." I quoted the word 'asawa' with my fingers. Hahaha.

"Sira! Sandali lang hindi pa ako nagtutoothbrush."

"Ayiiieeeee. Magpapaganda pa yan!" Binato niya lang ako ng chocolate dahil sa sinabi ko tapos ay pumasok na sa cr.

"Salamat!!!"

~~~~~~~~~~~~~~~

Calli's POV

"Bakit kayo lang nandito? Nasan si Amara?" Nandyan na pala si sir Alex. Busy kasi kami nagkukwentuhan ni ate Tarra kaya hindi ko siya napansin na dumating.

"Kasama po si Tita Ria. Baka po bababa na rin sila mamaya." Tumango naman siya kaya nagpatuloy na kami ni ate Tarra sa pagkukwentuhan.

"Oo nga pala. Napansin ko kagabi ang sungit sungit mo kay Drake. Bakit? Crush mo?" Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni ate Tarra.

"Anong crush? Sa yabang ng ugali nun? Malakas pa sa hangin tuwing may bagyong amihan."

"Weh? Alam mo ba yung 'the more you hate, the more you love'?"

"Opo. The more you hate the more you love. Kapag lalo kang naiinis, lalo mong nagugustuhan. Nagugustuhan na sabunutan."

"To naman. Ang init ng ulo mo. Chill ka lang, gusto mong yelo?"

"Ikaw kasi Tarra, kung ano anong tinuturo mo kay Calli." Sabi ni mam Amara na kanina pa pala nakaupo sa tabi ko.

"Hehehehe. Wala lang po yun. Kwentuhan lang." Kinabahan si ate Tarra. Hahaha.

"Good morning Amara." Bati ni sir Alex. Binati din siya ni mam Amara tapos nagsimula na silang kumain. Kaya pala hindi pa kumakain si Sir Alex ah. May hinihintay pala.

"Morning." Maya-maya pa, dumating na rin sila Tita Ria at Sir Lester. Then kumain na sila habang kami ni ate Tarra, nagdedesserts na. Hahahaha. Fresh fruitssss and ice cream.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello!!! So i'm back. Maka i'm back naman ako, akala mo naman may commercial. Anywaysss, nakauwi na kami, i mean ako. Kasi may mga assignments pa ako sa school. Si mam Amara, dumiretso sa office kasama si ate Tarra kasi may meeting daw.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon